Showing posts with label Vacations. Show all posts
Showing posts with label Vacations. Show all posts

Sunday, May 11, 2008

Dakak Experience

Sa totoo lang, whenever I hear Dakak – I can’t help but remember Jaloshos as well.

But more than the scandal that happened in this resort few years back, being in Dakak is sure is a relaxing vacation – bakit ko ba dinidikit yun, nah. Walang maisip na intro wehe.

We left for the airport around 9:00am, sa wakas three days break from office work and all, to refresh and reflect. After boarding for Dipolog, I can’t remember much about the flight. Medyo nagising lang ako nung nagpa-games yung mga flight attendant ng Cebu Pacific where you can win ID laces. They also have on-board snacks (sandwiches, chips, cola and beer –for PHP100.00 hehe) and even souvenirs (shades, ID laces, plane model, etc). Nung tumahimik, nakatulog lang din ako ulit, around 45mins ang flight. After nung flight meron pa ulit mga 45mins na byahe, konting kwento kwento sa mga kasama – tulog na naman ako. Geez…

Pagkatapos ng byahe, narating din naming ang reception area! Wou! Sa Wakas, ganito ang view sa Reception hall nila, fired up kaagad ang mga SLR Cameras! With tripod and lenses and the works! Nahiya ang camera ng phone ko! Nah niweys ang ganda rin ng view.


Reception – Parang view sa Park


After some chit chat with at the reception and welcome drinks, Dinala na kami sa resort proper. At last lunch, nakakagutom din pala ang byahe. Aliw lang dahil ang buffet area ay nasa tapat mismo ng beach.


Lunch by the beach – Nakakagana

Hehe, luwagan muna ang diet restraints – vacation naman to eh :D

Matapos lang makahinga after the heavy lunch, picture na ulit sa bagong environment. Hindi nakakasawa ang greens ng lugar, kahit papunta sa kwarto, presko ang paligid.



Benj – Beach Model


Mabs and Benj – Dynamic Duo



Beach sa Tanghali – Mainit


Dakak Greens – Berdeng Hindi Nakakasawa

Pati ang kwarto – Native ang dating!
Probinsyang-probinsya! Teka, probinsya nga ito dibs? Niweys.


Kwarto – Pagtalunan kung sino ang mahihiga saan.


As usual wala akong pictures habang naliligo – nothing to see there anyways. Comparing to Boracay, Dakak’s strong point is the fact na mas konti ang tao dito, yun lang wala ring night life sa Dakak – talagang pang relax sya, tahimik na ang paligid by 10:00 or 11:00pm, highlight na sa gabi ang kanilang cultural show -- spicing up the dinner besides the beach area.


Dinner by the Beach – Serene


Meron din silang bar, Sing-Along ang diskarte! woh!


Sing Along -- Mabenta

Ang dami ko na palang picture na nailagay ah…
Niweys, comes Day 2.

Sa umaga, as you can expect – Dakak have a peaceful Morning beach


Dakak
Beach
in the Morning – Peaceful

After the hefty breakfast we prepared for the “City Tour” visiting Dapitan there we get to see a replica of Rizal’s Clinic, Kitchen and Environment – hindi talaga sya City Tour kung tutuusin kasi wala naman kami sa city proper.

Further through the day, and I guess the highlight of it is the Sunset Cruise. Its an hour long Cruise via Bangka. On that same moment I get to realize the undeniable gap between an N73 3.2 MP Camera and a Nikon 10 MP SLR Camera. Makes you want one of those shutters. Haaay….


Sunset Catchers – Annoying



Nikon SLR Camera -- Wow...

On our last night we enjoyed the swimming and an ample amount of sleep. Geez! Ang sarap (especially the sleep part), when you get to have something you really get to treasure it. I myself enjoyed the whole vacation, revitalizing and gets you’re spirit really high so high you can get to see a good view of the new horizon one is traversing.


Taal Volcano above – Malupit na view by a Pasaway

All is so peaceful and the night sleep is sound –kinabukasan pasok na ulit!
Yehe! Yung lang :D Which brings us to our next article...






Sunday, June 10, 2007

Vacation Yey! 3

Thank God!

We were able to visit the island of Boracay, Aklan… ah yes… kung hindi rin lang sya company-covered, I doubt na makapunta kami dun without months of long planning, malamang puro anticipation lang hehe…

Hindi na masyadong marami ang tao sa island… since papatapos na ang summer season June 01 na eh, well wala akong point of comparison para dun, sabi lang din sa akin… at it’s peak, namumutiktik daw sa tao ang resorts as described by our officemate and semi-local Theis, “rubbing elbows” daw kahit sa beach…

This is the first time na nakasakay din ako ng airplane. Nothing biggie actually, hehe saya nung taking-off saka ng landing-down para kang nakasakay sa space shuttle weee… and you will get the new appreciation of the world below na karaniwan na makikita mo lang sa Google Earth





The flight only took 35minutes of our vacation… mabilis lang sya para ka lang bumisita sa kapit-bahay mo. First we landed at the Caticlan airport, there’s this even funny signage… hehe imagine kung meron kang bitbit na almost 5-8 kilo luggage and your short with cash… Surely not a happy thought…



After Caticlan we then took some 15-25 minutes boat ride from Caticlan to Boracay Island. Pagbaba ng Boracay we took a mini-jeepney ride from the port to Patio Pacific. The rooms in Patio Pacific are cool! Air-conditioned, Cable TV, King Size Beds, Clean Restrooms. Kumpleto rin ang resort sa mga amenities tulad ng Gym, Bar (na puro Jack-Daniels ang laman), Restaurant that serve tasty yummy meals at siemps ang Pool. Yey!

Ah yes… Patio Pacific has this place para makapagpa-cute…



Hindi ko nakuhanan ng pictures ang mga amenities and stuff, hindi ko naman na appreciate yung mga yun, not later that day, go agad tayo sa beach!



Not as surprising as have imagined though… papasok na nga kasi ang tag-ulan at dahil dun sabi ni semi-local/tour guide/guardian Theis eh nagiging malumot ang dagat at this time of year… Sabi rin nya na ito rin ang nagpapdalisay at pumupulbos sa white sands. Hindi ko alam kung bakit at pano at ano ang explanation pero yung nga raw yun…



That day we enjoyed our walk on the beach. Ang pagpapakapagod sa paglangoy sa beach then sa pool, we weren’t able to see the sunset nung first day… maghapon kasi kaming naglunoy sa pool.

Hulaan mo kung saan kami nagdinner… wala nun sa Manila… Nagdinner kami sa Andok’s Dine-in! Wwwwouuuu! Sobrang excited ako nun… kasi yun ang pinakamurang kainan sa Boracay… 5 minute – walk from Andok’s you can find a convenience store, which makes a decade long theory that whenever there’s a Litson Manok stall a Convenience store must be nearby more feasible… <*nods head>



Merong Night Life sa Bora… sa Club Paraw for example… merong din namang mga bar na ang cine-cater eh RNB, meron ding Hip-Hop at kung ano ano pa…Hindi ako masyadong mahilig sa Night Life, sa akin kasi ano ang binesa ng Club Paraw sa mga bar sa Malate bukod sa nakaupo ka sa mabuhangin na banig at over seeing ang dagat… kaya nung nagbrown-out sandali mas na-appreciate ko ang Boracay. Tahimik, alon lang ng tubig ang maririnig mo… mga barkadang nagkakantyawan, at ang mga taong nagrereklamong nawalan ng kuryente at lasing na mamang hindi makagulapay sa buhangin. Sayang di ko nakuhanan ng picture…

Umaga ng sumunod na araw… tuloy ang bakasyon... another fine thing that we are able to do the was snorkeling! Hehe… hindi ko na nadala ang camera ko nun, gitna ng dagat eh… its not the proper gear… We also visited the Puca Beach, sa kabilang parte ng island… walang lumot sa parte na yung pero hindi kasing pino ng buhangin sa lugar na may lumot ang buhangi… hmn…

After returning to the beach and taking a shower and eating a hefty lunch… tuloy ulit ang pagliliwaliw sa isla. We walked further along the shore…I can’t help but notice that commercialization of the Island… I guess that part can’t really be helped, business is business pa rin of course… so its quite a sight din na makita na meron din silang “mall“ sa Boracay, wittingly named as D*Mall! <*gasp> Niweys, ako nanaman ang official photographer… sheessh.



Meron din silang mga souvenir shops! Siemps mawawala ba naman yun… funny thing is souvenirs at the souvenir shops are the same souvenirs you would find if you are in a mall in Manila. May sindikato ata sa likod ng mga souvenirs na ito dahil makikita mo rin naman sila everywhere! bracelet, earrings, Lamp shades kahit ang sikat na “Barrel Man” eh meron din dun…



The same reason kung bakit ang paborito ko pa ring souvenir eh ang mga buko pie ng Laguna, Batangas at Cavite… dahil dun mo lang sila mabibili, I mean yung mga especial talaga ha… pero hindi rin meron na rin nun sa mga SM Malls eh…

Niweys…
We walked D*Mall, D*Palengke, and D*Talipapa almost all afternoon.
Later on we realized that the sun is almost setting, we rushed to the beach line… and we get to see another beautiful sunset… Sa trabaho kasi napakabihira na makakita ka ng sunset… especially sa Manila. Kaya to seldom behold a sunset can be quite a sight!



Parang ang lalim na symbol kasi sa akin ang sunset eh… kunyari serious person ako…

We get to rest earlier that night. Medyo napagod sa snorkeling at paghahanap ng sulit na souvenirs. After dinner… Natulog na lang din kami agad, dun ko naapreciate ang room amenities ng Patio, at sabay buntong hininga na uuwi na pala kami kinabukasan. Hayyy…


For the last event we kinabukasan… we tried tadahh! Banana Boat Ride! Wag nang iexpect na kinuhan ko ang mga pangyayari dun dahil sa gitna ito ulit ng dagat. Hehe, mas exciting sana ang Banana Boat ride kung mas game sa tauban ang mga kasama mo… total naka-life vest naman kayo eh, at wag kakalimutang kawayan ang mga nasasalubong na bangka at iba pang bangka! Para mas masaya! Hehe…

Few hours later matapos magbanlaw at last hour shopping we prepared our selves for the departure going home… kahit nakakapagod and all, it’s the best way to relieve stress and keep you’re mind off work revived na ulit pagbalik sa trabaho diba! Ayos!

So we better get our asses back to work mode. Tapos na ang bakasyon mga kids, something to look forward next year… yan eh kung magiging ok ulit ang performance this year. So better do our part! Wow how patriotic!

Saturday, June 09, 2007

Vacation Yey! 2

Bukod sa swimming kasama ang aking mga kababata, nakuha ko pang makasama pa sa dalawang outings… One in Pondaquit, Zambales and the other one is in Boracay, (hindi ko pala alam kung sang probinsya ang Boracay!)

Niweys, what I enjoy most about trips are the site seeing part… pwera pa yung pagbababyahe…
I can live without the alcoholic drinks, the babe watch, and even the swimming it self. Basta ba guaranteed ang serene environment where you can search for inner peace and deeper appreciation of nature’s beauty (naks! Bigat….) Wag lang naming ipagkakait ang baong pagkain at inuming tubig, mahirap mag appreciate kung may iniinda ka sa tyan…

Unahin muna natin ang Pondaquit, Zambales

The first thing I was able to appreciate with our Zambales trip were the accommodating benches of Victory Liner in Monumento, Caloocan… how they keep you cozy because you have to wait for 4 hours for the 3 o’clock in the morning bus cause the 11 o’clock evening bus left you. Ang sarap humiga at makipagkwentuhan ng kung ano-anong kalokohan kasama na ang plano mo sa buhay at career. Wag mo nang masyadong indahin ang mga surot hehe kahit pagtulog eh possible.



Meron din silang 24 / 7 na mga canteen that can serve you tapsilog and short orders in a flash! Medyo overpriced lang ng konti pero kung di ka pa naghahapunan would you even care?



Hindi na ako nakakuha ng mga pictures and whatnots sa byahe… Inubos ata ng mga surot ang wisyo ko at ulirat… so nahimasmasan na lang ako at tadaaaah! Nasa beach na kami… hehe… at nakahanda na ang pagkain!



Unlike ng swimming sa Santiago Resort, merong baong digital camera ang friends natin… so hindi ko na pinicturan ang pagpapakita namin ng aming mga drop dead gorgeous body… I took the pictures that I actually came for…

The majestic Sunset… malayo pa talaga sya sa horizon kaya hindi pa talaga sya sunset… so ano tawag natin dito? Majestic Late Afternoon Sun? Hindi catchy…. Pero ang ganda diba?



The serene trees swaying at the beach front…



The Seemingly Boundless Sea and the Three Dots That I’m Not Sure What that are Threading It…



At isa pang sample ng pa-photodramatic effect ng Isang Punong Nag-iisa sa Bangin… woooooh! Pa-deep!



Gusto ko ng mga pictures na to, para alam mo yun… may subjects ka pag-gagawa ka ng postcards, or pag gusto mong mag quote nga mga inspiring messages… tulad nito…



So ayun na nga… ang ilan sa mga photos na naipon ko nung Zambales Trip… hmn… next naman yung sa Boracay… mas Soulful yun… yeba!

Wednesday, June 06, 2007

Vacation Yey!

Siguro sa part eng buhay ko kung saan ang aking Summer (April – May) eh nanatili pa ring busy eh first ko yun ngayong taon, uto ang first time. I can still imagine years back, ang mga summers ko eh… walang pinaggagawa kundi ang mag-stay sa bahay dahil sa mainit. May mga outings din naman, kasama ang barkada. Sa Jeds, Calumpit Bulacan, o kahit sa simpleng resort lang na me swimming pool malapit sa amin, tulad ng sa Villa Angelina. Or katulad ng last outing namin sa resort nila Oths, ah yes!Dry Swimming

Anyways, kahit may trabaho… at di ko naramdaman ang “walang ginagawa” na Summer, (at least nakakuha ako ng isang lingggong bakasyon) eh nakaattend ako ng tatlong outings! OO! Tatlo!

Una sa Santiago Resort., labing-limang minuto ang layo ng resort na to sa amin wow! Mga kababata ko ang kasama ko dito sa outing na to, it lasted for only what? 12 hours lang ata… hehe… nakasabay pa namin yung outing nung isang prayer group… kaya may tugtugan at kung ano-ano pa…


Aliw din sya eh… kahit maliit lang yung pool! At umulan at pinaahon kami dahil sa kumukulog, safety precautions sabi ng mga lifeguards..



Meron ding videoke!
Kung meron ka talagang party at hindi ka sigurado kung pano mo papasayahin ang mga bisita mo… Go for videokes, you can’t go wrong J

Hindi nga lang ako kumanta…



Hindi nga lang ako kumanta kasi nahiya ako sa magandang boses ng pamangkin ni Cathy, si Elize… Ngkameron pa sya ng Fans Club sa hanay ng maiingay na lalaki na kasama ng prayer group… Kung sakaling sumikat sya, at least ako ang naunang nakapagpost ng picture nya yey!



Puede nyo rin akong hanapin sa picture, yun lang ako kasi ang kumukuha eh… so katulad ng inaasahan… ako official photographer...



So yun! ang Santiago Resort... hmn... sa totoo lang kahit Dry Swimming lang ok na eh...

Monday, May 01, 2006

Dry Swimming!!!

Ito ang libangan ng mga taong twing weekends lang bakasyon at walang oras para mag-organize o, mag reply sa text at tawag ng nag-oorganize! ang dye-dyeeeennn!!!

DRY SWIMMING

ALIW!!! ngayon ko lang kasi na try tong activity na toh! at talaga namang weeeee! ang saya! at siempre dahil sa ubod kayo ng busy, dapat ito ay ovenight dahil malamang may commitments pa rin ang mga sasama pagdating ng umaga o tanghali...

Ano naman ang mga kailangan dito? o sige, ang una sa lahat e kailangan mo nang mga kasama! group activity nga e! at dapat may mga kasama kang puyat! Tulad sa grupo namin, may isang call-center agent (so 'nuff said puyat sya), isang galing sa company bidding sa laguna, at isa pa na nag-organize naman ng birthday party... ayos! main ingridients!!! siemps kailangan din ng mga members na insistent at mapilit na ituloy ang event, pagkumpleto na puede nang isama lahaaaa aa aaat! ng kung sino pang gustong isama! o! ok! siemps kailangang mag-impake na ng gamit! dahil swimming yon, kailangan ng bagong bihisan, twalya, sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush, isama na rin yung personal necessities... kung mahina ang baga, may ulcer, diarrhea at uhurmn... red alert...

Ayos! dahil sa mas ok ang biglaan ang event, expected nyo na dapat mag-co-commute kayo, siguraduhin nyo naman ang kung ano ang sasakyan at lugar na pupuntahan, mahirap makarating dun kung wala kayong "doon" malaki ang kanluran, san doon kayo pupunta...

Next pagkain... ni wala ngang nag-asikaso ng sasakyan at mag-co-commute kayo, sino naman ang ini-expect nyong magluto??? ok lang! ano ang ginagawa ng value meals? fast-food? magkalapit naman lagi ang andoks manok at 7-11... mas malamang na bagong sweldo ang mga insistent components ng group kaya ayos! kami? pizza ang napag-diskitahan namin...

Hindi exciting kung 'di nyo ipipilit ang bawal sa mga overnight resort... ang mga alak! kasama na ang chasers, ok kasama si Alfonso, kung na-ho-home sick kayo puede rin naman si Grand Ma, kung feeling royalty Em-pi! wag bumili ng alak na masyadong mahal lalo na kung ang aim nyo eh, makitang sumusuka ang mga kasama nyo para mas maganda at masaya tingnan ang pictures at videos nyo... so kung ok na!!! challenge na to!

Magkita-kita sa isang lugar na alam nyong lahat bago mag-proceed sa resort may mala-late, ok lang yun... dahil mai-ju-justify nya yun kahit ano ang mangyari, saka yun ang test of friendship! hanep!

Pag nagkita-kita na kayo, mapagtatanto nyo na malaking kalokohan ang mag-commute ng dis-oras ng gabi, saka ang mga puyat at may red-alert e hindi pala puedeng mag-swimming, puede kung sa puede wag nang mamilosopo... ang mga mapipilit namang ituloy ang swimming kahit syet ang logistics, at gaguhan ang plano e mga nangungulit lang, na-mi-miss lang pala nila kayong lahat... mapagdedesisyunan nyo na tumuloy sa kabarkada nyong may maluwag na place, may cd-player at malawak na tulugan... mag inom at magkwentuhan magdamag... dahil pagod at puyatang ibang kasama konti lang ang mag-iinom nila at makakatulog na rin agad, ang makukulit e ang iinom ng majority ng alcoholic beverage nyo kaya patas lang din...

Walang nabasá! maliban kung may sususka =) siemps meron pa ring medyo sasamá ang kalooban; kasama talaga yon, sayangin nyo ba namang ang oras nila... humingi ng tawad ibili sila ng marshmallows...

Ewan ko ba sa grupo namin... karaniwan pag-plinano ang isang event, karaniwan ay nauuwi sa inuman, sabagay kung natuloy man ang swimming, inuman pa rin naman yun... bago magkita-kita halos murahin na ang isa't isa pero pag naghiwahiwalay na ok pa rin...

Ang tagal na ng mga problemang napagdaanan namin at hindi naman sa lahat ng oras nagkakatulungan kami, time na lang talaga ang test... nagdadamayan pa rin naman kami kahit pa'no, insecurities, success and failures... haha! ang lalim! pero tuyo pa rin kami (ano man ang ibig sabihin nun...)