"WALA! Wala na akong magagawa nyan! Sira na ang araw ko!"
Nakatagpo ka na ba ng taong sabihin na nating bugnutin, o minsan may impulsive attitude? Yung tipong nagkita kayo, may gusto ka sanang ipagawa sa kanya pero ikaw pa ang mapagbubuntunan ng galit nya?
Galit sya hindi mo alam kung bakit -- pero apektado ka ng gumugulo sa kanya.
Sira na kasi ang araw nya, naputikan siguro papasok sa trabaho, o siguro hindi pa naka-almusal dahil tanghali na nagising at nagmamadali dahil mala-late na sya pero nalate pa rin. Or nadebit yung cash nya nung nag withdraw sya, 3days pa daw bago maibalik. Binungangaan ng girlfriend, o hindi pa nagtext ang boyfriend mula pa kagabi.
Maaring naengkwentro mo na sya, o baka naging ikaw na rin yun.
Tapos instead na pahupain ang inis -- ang ginawa i-chinanel pa ito sa iba. Nagpowertrip sa katrabaho or sa customer, pinagtripan ang kapatid or kabarkada, sabagay mahirap naman na ang taryahin mo ang boss mo, hindi lang isang araw ang puedeng masira pagnagkataon.
"circle or screaming"
Parang virus ang "negativity" yung tipong kanina, yung ka-opisina mo lang yung bumabahing, pero maya-maya masama na rin ang pakiramdam mo.
Pero di tulad ng virus ang "bad trip"
hindi naman talaga kinakailangan na pagsinigawan ka ng boss mo, sisigawan mo naman yung crew na medj matagal ibigay ang order mo, dahil ang pobreng crew naman na yun ay sisigawan ang pamangkin na makulit at di sya patutulugin, samantalang ang pamangkin na yun ay ibubuhos ang inis sa DOTA, mailalampaso nya ang anak ng boss mo sa online game, at magagalit naman ito sa tatay nya na boss mo; na ikakagalit ng boss mo kaya irritable sya ng makita ka.
Dito pumapasok ang golden rule...
"kung wala kang sasabihing maganda wag mo nang sabihin..."
hindi na rin kailangang i-comment,
oo, alam ko naman yun! ang Golden Rule eh "Love your neighbor as you love yourself" perpeKTO BA HA PERPEKTO?!!
yAAAAARGGGHHH!!!1!