Monday, September 20, 2010
LRT and the Door Syndrome
LRT Door Syndrome - Siemps kinuhanan sa ibang date wehe
With the LRT new stations, Mukhang hindi maganda ang pagkakaplano ng kung sinong department na nag-a-allocate ng kung sang station lulusot ang mga skip trains.
Today (Sept 20, 2010) nalampasan muna ako ng anim na tren bago nakasakay, tatlong skip trains, at ang lahat ng tren na huminto sa Monumento ay nasa kalahati na ang laman.
Katulad pa rin ng dati may mga "wais" na tao pa rin na nakabalandra na agad sa harapan ng pinto. Di bale na yung mga bagong papasok, basta nakaprente na sila sa pwesto nila. Di naman sigurado siemps kung malapit sila o malayo pa, pero naman! pintuan yun eh...
Eto lang yung medyo kinabahan ako, hindi pa humihinto yung tren, sumundot na agad ng tulak yung mga tao sa likod...
"Woh... Teka lang!"
ang nasabi ko...
"Hindi mo na mapipigilan yan"
narinig ko sa bandang kaliwa...
Di mapipigilan...
May bago nang level ang mga walang pakialam na sumasakay sa LRT. Mas mataas sa level ng mga umuupo sa gitna ng tren, bumabaladra sa harapan ng pinto, yumayapos sa safety hand rail, nagpapatugtog ng malakas ng MP3, mga lalaking nakikipagagawan ng upuan sa mga babae, matanda, buntis at may kapansanan, sa mga magkakatropa na nagkukwentuhan nagtatawanan ng napakalakas, hindi naninipilyo at may matinding bo.
sobrang sapaw na nila yung mga taong nagbibigay ng upuan at nagbibigay space para makahawak ang marami sa hand rail.
"Di mapipigilan... "
Mukang malapit nang ma-o-0bsolete yung pagsakay ko sa LRT ng maaga, parang dapat ata linggo pa lang ng gabi umalis na ako, o bumili ako ng sarili kong sasakyan (kung sakaling kaya ko na), pero mata-traffic din ako sa umaga, tama umalis na lang ng linggo ng gabi. Ganun pa din
Dibisyon nanaman... Hindi naman ng mahirap at mayaman, kundi ng may pakialam at walang pakialam, ng naniniwala sa Pag-babago at walang Pag-asa, ng Good Filipino at Bad Filipino.
Lupit talaga ng epekto sa akin ng LRT
Subscribe to:
Posts (Atom)