Sunday, December 26, 2010
Humanda Ka!
Kung alam mo na darating ang exams, kailan ka mag-aaral at magre-review?
Kung alam mo na ang pagsubok ay darating paano ka maghahanda?
Review and Studying on Commute - Advance Cramming Skill
May nabasa akong about proscastination -- ang sabi daw; kaya tayo ay nagpo-procastinate ay dahil sa natatakot tayo sa task or sa pagsubok na parating.
Ironic, kasi kung alam natin na ang isang issue ay paparating; ang isang requirement ay kailangan, kung ang isang bills ay malapit nang mag-due; bakit inilalayo natin ang tingin natin sa mga bagay na kailangan nating gawin.
"It's always the punch that was not seen, that does the most damage, the punch that can knock any boxer out..."
Focus -- lahat naman ng tao ay natatakot; pero ano ba ang tamang gawin para dito.
Sobrang dali kasing hindi prepare at maghintay na lang ng kung ano ang darating - yung tipong humanap na lang ng rason para masabi na nagawa mo ang lahat ng kaya mong gawin.
Nasubukan ko nang magreview ng maraming beses sa jeep
it makes me reflect kung ano ba nga pinaggagawa ko kagabi at bakit ngayon ako nag-aaral.
Nasubukan ko nang hintayin na maaubos ang mga customer at mawala ang mga nakapending kong burgers nung nagta-trabaho pa ako sa Jollibee. Hindi sya nangyayari, maya-maya kailangan ko nang magluto ng tatlumpung burger habang may nagmumurang supervisor sa background.
Nasubukan ko nang maging reactive sa mga pinagawang tasks at umaasa somehow maglalaho ang mga issues; and that usually ends up in far worst scenario.
Patapos na ang 2010, at darating ang 2011 kahit na yakapin o murahin mo pa sya :D
Paano nga ba ulit maghanda...
Short Term...
Mid Term...
Long Term...
The Best is Yet to Come...
Happy Holidays Ulit Guys! :D
Monday, November 22, 2010
LRT’s Advance Lessons
I lost my N73 – the phone I kept for 4years now gone…
Wow…
LRT tulad ng alam ng lahat, ay isang matinding contact sport. Ugali ko naman talaga na ilagay sa harap ng bag ko ang phone ko, para secured. But that morning October 21, natiempuhan talaga. Nasa bulsa ko at nasalisihan ng mahusay.
Hay…
Matinding inconvenience talaga! Wala sa immediate budget ang para sa phone eh, tapos eto sya ngayon… Nawala.
There I am, trying hard to stay positive.
Pero wala eh medyo mahirap wouuu!
Lesson Learned: “Security is always seen as too much until the day it’s not enough”
Well actually William Webster said that…
Gerbera - my well trusted N73
Hayay... hindi na ako magtataka kung makikita ko sya somewhere sa Isetan Recto or sa Grand Central Monumento, ang tingin ko tuloy sa mga cellphones na nakabalandra sa mga 2nd hand shops eh mga nakaw na phones, at sa likod nila ay mga inconvenienced owners.
Oh well...
Life do teaches hard lessons neh...
Monday, September 20, 2010
LRT and the Door Syndrome
LRT Door Syndrome - Siemps kinuhanan sa ibang date wehe
With the LRT new stations, Mukhang hindi maganda ang pagkakaplano ng kung sinong department na nag-a-allocate ng kung sang station lulusot ang mga skip trains.
Today (Sept 20, 2010) nalampasan muna ako ng anim na tren bago nakasakay, tatlong skip trains, at ang lahat ng tren na huminto sa Monumento ay nasa kalahati na ang laman.
Katulad pa rin ng dati may mga "wais" na tao pa rin na nakabalandra na agad sa harapan ng pinto. Di bale na yung mga bagong papasok, basta nakaprente na sila sa pwesto nila. Di naman sigurado siemps kung malapit sila o malayo pa, pero naman! pintuan yun eh...
Eto lang yung medyo kinabahan ako, hindi pa humihinto yung tren, sumundot na agad ng tulak yung mga tao sa likod...
"Woh... Teka lang!"
ang nasabi ko...
"Hindi mo na mapipigilan yan"
narinig ko sa bandang kaliwa...
Di mapipigilan...
May bago nang level ang mga walang pakialam na sumasakay sa LRT. Mas mataas sa level ng mga umuupo sa gitna ng tren, bumabaladra sa harapan ng pinto, yumayapos sa safety hand rail, nagpapatugtog ng malakas ng MP3, mga lalaking nakikipagagawan ng upuan sa mga babae, matanda, buntis at may kapansanan, sa mga magkakatropa na nagkukwentuhan nagtatawanan ng napakalakas, hindi naninipilyo at may matinding bo.
sobrang sapaw na nila yung mga taong nagbibigay ng upuan at nagbibigay space para makahawak ang marami sa hand rail.
"Di mapipigilan... "
Mukang malapit nang ma-o-0bsolete yung pagsakay ko sa LRT ng maaga, parang dapat ata linggo pa lang ng gabi umalis na ako, o bumili ako ng sarili kong sasakyan (kung sakaling kaya ko na), pero mata-traffic din ako sa umaga, tama umalis na lang ng linggo ng gabi. Ganun pa din
Dibisyon nanaman... Hindi naman ng mahirap at mayaman, kundi ng may pakialam at walang pakialam, ng naniniwala sa Pag-babago at walang Pag-asa, ng Good Filipino at Bad Filipino.
Lupit talaga ng epekto sa akin ng LRT
Wednesday, June 23, 2010
Load Mo Sarili Mo - LMSM
Why have I joined Load Mo Sarili Mo?
Skeptic talaga ako sa mga Networking Business, I’ m thinking kasi na kung magiging sobrang successful ang isang MLM or Multi-Level Marketing Business, e di mauubos mga market sa ibaba…But for that to happen – everyone as in, napakadaming tao ang kailangang gumamit ng product. Ibang sabihin yung event na talagang ma-sa-saturate ang market, ay the same event na kikita ka sa pagbebenta lang din ng same product.
Ang pinaguusapan ay ang produkto.
Mabenta ba ang produkto?
Kailangan ba ang produkto?
Gaano karami ang kalaban nito sa mainstream market.
E-Load, everyone uses it – hindi na rin sya luho ngayon. Having a cellphone has risen from a status symbol to a commodity. The closest rival I can find so far was Load XTreme. Pero the said business seem to lose most of its luster, nang mapasangkot ito with Francswiss.
On the other hand – Muenchen is a partner of Smart, and was authorized by Smart to employ distribution methods they see fit. So their brainchild Load Mo Sarili Mo Came into play.
Load Mo Sarili Mo, is a self loading business – no more worries of stocking up on load and fear it may just expire. Load Fund, which is LMSM’s virtual cash. Halos parehas ito sa Load Wallet ng Retailer, kailangang mai-convert muna ito bilang Airtime, bago magamit.
Sa produkto, hindi ka mamumurublema sa stocks, dahil ang produkto mo ay e-load.
Maliban na lang din naman gusto mong i-take advantage yung pagbebenta ng Kits – well hindi naman sila ganun ka high maintenance din itago – they are just bunch of envelopes with SIMs and kung medyo mataas na kit yun yung may mga smart bros…
Marami na rin ang nagtake advantage ng business na to, and frankly hindi naman din ito yung tipo ng business na mabilis ang kitaan, like other network marketing business this takes effort and persistence.
Bigger reason why I am doing LMSM is to learn.
Yes, learn – do you believe that one way or the other if you want to be successful in life you must learn how to sell? Sa maraming tao, parang ang bigat bigat na task ang pagbebenta, pero the same perspective we learn need to learn how to sell – be it and product, an idea or sometimes ourselves.
Learn to sell.
I can find several reasons why i don’t have to do LMSM, but the opportunity to learn and earn is just undeniable; played and worked on correctly this will give you more than the Php 199 initial investment of yours.
There are lots of information you can now find for LMSM – especially on their blog and website.
Now what they don’t tell you is this.
- Kung solo ka lang – you can actually buy E-load via Smart Money plus 10% of the amount you have purchased. Against sa true value ng loadfund na binili mo via Smart Money din, unless you go stockist where you can have plus 3% of your purchased amount which starts at Php5000
- You will need around 300 downlines to secure that your Monthly Commissions is equal to your Self / Share Load Requirement
- You will get rejected – a lot
For the first and second one; the best motivation is that LMSM is an opportunity, plus the fact na pag naabot mo na ang tamang number, you will no longer have to reload talaga, you will not be doing this alone anyways you will have your group, lucky if you’ll get someone determined and dexterous to help you build your network, but the point is to get them – you must be one of them. And LMSM is the perfect venue so you can enhance you persuasion and people skills. Yet again learn to sell.Learning to accept and move on from a rejection is very important as well. Most people fail because they quit too early. One must learn to mind his own business and not just listen to be discouraged.
So there, LMSM – is one of those schools you can enroll to, the only catch is that much like life, it gives you a test first before you get to learn the lesson. Better of course if you can have and do it with a team. I will be more than happy to tell you more about the biz. But one thing you must do first. You must decide first if you want to stay on that comfort zone of yours first or do something that other people are not yet doing and be ahead.
Tuesday, June 15, 2010
Monday, May 31, 2010
PNR
PNR -- the masses
Last week, nasubukan ko na ring makasakay ng PNR, Philippine National Railways. Ito rin yung Train System na sana eh na Rehabilitate ng North Railways Project.
Bumabagtas mula Caloocan hanggang Alabang, pinakamurang transportation sa napakalayong distansya, noong 80s umaabot pa ito ng Bicol.
Isang beses pa lang akong nasakay ng PNR, mula España hanggang Sucat Parañaque. Kung gusto mong makita ang "unflattering" side ng lungsod, ito ang subukan mong sakyan, marami sigurong aktibista ang na- "inspire" ng tanawin sa PNR.
Hindi katulad ng LRT, LRT2 at MRT, ang PNR ay walang perimeter fences sa maraming area, talagang tumatawid ng highways at minsan sa mga make-shift residences. Meron ding palengke, estero at mga tulay.
Entertainment factor din ang mga pasahero, may umuupo sa gitna - maaring matisod ang iba kung di sila mapapansin. Matindi din dito yung "Pinto - Syndrome" eto yung pagsakay ng pasahero, kahit malayo pa sya pupuwesto sya sa harap ng pinto, ewan ko ba, ang tingin ko kasi dito eh pagiging walang pakialam sa iba, "basta ako nakasakay..." pag natulak ng mga taong sasakay, maninisi pa...
"T*ng *na! Ayaw kasing pumasok sa loob eh!",
"Kung ayaw mong matulak, mag-taxi ka!",
"Sapakin mo!"
Ganyan yung mga comments na maririnig mo pag dating ng FTI, Siksikan na no'n, Amoy mo na din kung ano ang pinagdaanan ng mga tao sa araw na yon.
"Woou! Roller Coaster!"
Maririnig mo naman sa mga mag-kakatropang sabay na umuuwi, habang yumuyugyog ang tren.
Ewan ko ba, bumigat ang damdamin ko pagbaba ng PNR, Mula sa perspective nito -- malayo o lumayo ang Pilipinas sa inaasahang pagbabago o paglago, malayong - malayo. Pero air-con na ang PNR, sabi ng tatay ko dati walang harang ang bintana at pinto nito dati, may ibang pasaherong tumatalon papasok at papalabas at kung swertehin ka eh mababato ka ng basura at dumi (ng tao) at least ngayon safe ka sa ganun elements.
Improvements?
Ano na nga ba ang nangyari sa North Railway Project? Malapit nang mabuo ang MRT - LRT-1 Extension, pero yung mga lugar na dine-molish, gubat na ng damo at puno ng Aratiles, Medyo mahirap maging optimistic pag ang nakikita mo lang ay ang Lungsod mula sa PNR. Moral Revolution, Change, Progress. Marami pa tayong dapat gawin, kung pag-unlad at pag-unlad din lang ng Pilipinas, kasing labo pa ito ng pagpapatuloy ng North Railway Project or ng kasabayan nitong ZTE Broadband, Fertilizer Scam, at kung ano-ano pa…
waiting for the train -- waiting for a change
Tuesday, April 27, 2010
Jejemons!
Kung merong mga Laglag-Punjang Hip-Hop at Fitting Black Shirts Metal noong Dekada 90s ang napapagtripan ng husto ngayong henerasyong ito ay ang mga Jejemons
Jejemons
Sa cyberspace -- sila yung karaniwang gumagamit ng alternating caps pag nagt-type
bukod pa sa "txt" style format ng kanilang spelling; Napakahirap nitong basahin lalo na kung sanay ka sa maayos na spelling at sentences
Sila din yung pag nagpapicture eh may kung ano anong hand-signs na pinapakita, hindi mo masigurado kung may ibig bang sabihin yung mga hand signs nila, kung insignia ba ito nirarayuma ba sila.
Sa tunay na buhay sila yung kung pumorma ay nagbo-border sa dating ng mga "Emo", hindi kaagad masisigurado kung Emo sila o Jejemon kung hindi mo sila papakinggan magsalita hindi mo masisigurado, I'm thinking kung ang Emo magsasalita ma-de-describe mo ito as "sad logic" minsan "flawed" pero may message, Jejemon will just say "gibberish - baby talked sentences"
Naiintindihan naman ng nakakararami kung ang mga kabataan ay sumusubok ng mga bagay na magbibigay sa kanila ng "distinction" or "individuality" pero naman, being a Jejemon is just ridicu -- pero teka kung che-checkin naman ang itsura ng mga kabataang noon ganun din eh, may bagay may ridiculous, may nakakaasar, may nakakatawa.
(image from vermites.blogspot.com)
but still...
I can't give them Jejemons their merit.
and Gibo has a very good plan for them :D
(image from tunaynalalake.blogspot.com)
Thursday, April 15, 2010
Dekada 90s Memories :D Sundot Kulangot
Monday, April 12, 2010
Stay In or Stay Out
Alam naman natin na "Stay-Out" eh tumutukoy sa mga workers na "Uwian"
pero parang kung kukulitin mo, magiging dalawa meaning nung "Stay Out"
Either -- Stay Out na Uwian, or Stay Out as in wag ka nang mag apply "Stay - Out!" ganun! :D
ano nga ba english ng Uwian? nyah!
Promising Week ahead!
Wednesday, April 07, 2010
Chairman Netero - Hunter x Hunter
Eto na rin siguro yung isa sa mga Manga na ang daming speculation na talagang di mo alam kung san naggaling -- babae si kurapika, si hisoka si gin freecs to name a few :)
well i guess hindi ka nakakarelate pero if you are in to manga please do read
Hunter X Hunter!
Monday, April 05, 2010
Dekada 90s Memories :D Keychain
Tuesday, March 30, 2010
Saturday, March 13, 2010
Load Mo Sarili Mo :D
Ask me about Load Mo Sarili Mo
More than Happy to Send you the presentation for the business.
If you have any queries -- please do ask :D
Monday, February 01, 2010
How Far Will You Go
"If I leave 0630H, it will likely be 0730H when I reach the LRT, i'll only have 1 hour to make it to work, and thats the same as 15 to 20 minutes late..."
There i asked myself...
"How far am I willing to go, to be on time..."
I can sleep early, wake up around 0445H prepare in an hour, be able to leave at around 0545H.
And there I was... Less traffic and the LRT crowd not yet too pushy...
How far can you go?
What efforts are you willing to take?
With an open and pro-vocable mind, one will be able to see, that efforts made and well thought plan can go a long way...
In a grand scale, it is much how we go with our daily lives, the routines and habits we keep are same one we chose, when we are started to focus on what we want to achieve, on where we want to go.
The question that would beg for an answer will be, what must we focus on and where we want to go, why we must get there...
I reached the office in time, with a mindset that i want to make this day count... Short term goal that would count for my Mid-term goals, Mid-term accumulating for bigger and longer one...
Keeping this up, We'll be on a roll... Keeping this up we go further. Yey, lets go!
Sunrise on LRT Baclaran Feb2010