Saturday, March 25, 2006

Graduation weeeeeeee!

Wow!!! Feel na feel ko na ulit yung tenteteten teneneneeeen teneneneeenenen tenenenen tentenen (graduation march). This particular school year graduation is quite important for me… pano naman i promised myself na aalis ako uli sa academe at maghahanap na ulit ng job sa industry o sa field o kahit saan… pinaka-ideal sana yung job na tipong pa-country side… Batangas, Cavite o Laguna… ok yun para maramdaman ko naman ang tinatawag na “independence”

Weeeh “independence” nararamdaman ko yung graduation, hindi ko lang alam kung masaya ba ako, malungkot? O kung gusto ko bang maging masaya o gusto ko bang maging sentimental… I try to feel deep inside, hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang i-iinarte ko… para kasing wala e… parang namamanhid na ewan ang katawan ko sa nais nitong maramdaman,

Ano nga ba talaga?

Nitong second sem maaga akong gumigising, usually 5:30 to 5:45am gising na ako, morning rituals, ligo etc etc… tapos kakain (maswerte pa rin ako’t inaasikaso kami ni mama =) pag labas ko ng banyo nakahain na ang sinangag, kape at itlog yay! nakainit na rin ang ulam kagabi…), makikinig ng radyo o manonood ng news… pagkaubos ng almusal isusuot ko na ang uniform ko, pink na barong pag lunes, blue pag martes at berde naman pag huwebes… maliban sa mga nabanggit na araw puede kahit na anong kulay ng polo…

Bibiyahe ako ng 45 minutes hanggang isang oras… 30 minutes kung piloto na nagpapalipad ng jeep ang nasakyan ko… madalas nakakatulog pa rin ako sa byahe, pagdating ng bayan, novaliches kung 7:30am pa lang sa relo ko, lalakarin ko na lang hanggang sa eskuwelahan (exercise nag reason ko pero nag totoo e nagtitipid lang ako haha!) pero kung 7:45am na? Sasakay na ako nun… pag MWF Algebra ang una kong klase pag TtH parang ayokong pumasok klase ko naman e Adavnce Networking pero basic LAN Connection nag tinuturo ko… kahit pa magkaano late man o on-time, ganun ang simula ng weekdays ko…

Buong araw na magtuturo, minsan petiks pag pa-quiz ako sa isang subject minsan petiks buong araw pag exam period, maaga pa ang uwi! Uuwi ako either 7:30pm pag MW at 7:00pm pag TtH maaga ang Fridays at masaya ako pag Biernes kasi nakakagala ako sa SM Valenzuela pag-uwi… Nakakatawang isipin na ang schedule ng isang instructor o teacher e pare-pareho lang pero ang bawat araw ay magkakaiba… nagiging stress free lang naman ang pagtuturo pag dumating na yung time na sobrang master mo yung subject at parang nagku-kwento ka na lang, yun lang after the long while alam mo… maghahanap ka na ng challenge at dahil dun e ma-bo-bore ka so, after a long while ang stress-free na trabaho dahil sa wala nang challenge e magiging stressful na ulit… hayyy what a layp!!!

Hindi ko alam kung meron talagang teacher na gra-graduate career-wise may hangganan ba ang pagtuturo? Diba walang katapusan nag pag-aaral? (*scratches head)

Isang school year na pala ang lumipas at eto nanaman nag summer, walang pinagbago ang estado ng buhay ko… although going back to my roots taught me umn… to be patient and even if impatient appear as if you still are, as if everything will eventually come to you, I also learned to smile a lot, despite how things don’t go my way… sabagay kahit naman na saan ako, bandang huli matututunan ko rin lahat yun, pero dito, dito ko sa school natutunan lahat ng yun…

Patapos na nga ang school year, wala na ulit tayong trabaho, isang taon ang nakalipas eto pa rin tayo… nandito pa rin tayo basically kung saan tayo naiipit at naiwan nung isang taon =) hindi ko alam kung ngayon ba e excited ako o nagwo-worry sa mga uncertainties

Looking back last year noong nagpupulot palang ulit ako ng sarili ko, hindi ko na-imagine na makakabalik ako sa pagtuturo, well not that soon, but ‘lo and behold nakatapos ako ngaun ng school year at bukas e a-attend ng graduation…

Walang pinagbago nag school mula noong umalis ako dito, natatawa pa rin ako sa sistema ng attendance sheets (ganito yun e, ito yung mga cardboard-like sheets na binebenta Php 30 for 3 pieces para sa Prelims, Midterms and Finals… supposedly pinipirmahan ito kada simula ng klase, pero tingnan mo naman, kung algebra ang subject ng instructor at isang oras lang ang meeting mauubos ang oras nya sa pagpirma ng attendance sheets ng mga estudyante, stating that umattend sila sa klase na yun… siemps milya-milya ang layo ng kadalian ng index cards, kung saan ang tini-take down nalang ng instructor e yung absences… meron ba sa school nyo yan?! WALA!!! Kahit highschool hindi ako nakarinig ng gumamit ng ganyang attendance shits!!! So para san ulit yun?)… kulang-kulang pa rin nag gamit namin, parang public high-school, at prublema pa rin ng mga estudyante ang isang instructor nilang ang dami nang kaso pero hindi pa rin natatanggal… wow ~~ politics =)

Sa palagay ko ang college e parang miniature ng totoong society, kumpleto lahat! Yung mga mabubuting tao… yung mga nagtatanggol sa naaapi, yung mga pulis na sumusunod lang sa utos at mga nangongotong, yung legislative branch na gumagawa ng batas (sa paggawa ng batas at pagimbestiga ng kaso dito sa school namin, may malinaw na idea na ako kung bakit SYET naman sa tagal ang pagagawa ng batas at pag-iimbestiga, basta pumasok na ang mahiwagang “self interest:” due process will really take forever…! ) yung executive committee na nabibigyan ng mahiwagang pardon ang mga kakampi nya at halos gawing impierno ang buhay ng kalaban nya…lahat! As in lahat!

Bat nga ba ulit ako bumalik sa school? Dahil ba sa kailangan ko ng GOOD job? (Get Out Of Debt)? Hindi ko plinano na bumalik agad, gusto ko muna sanang marating yung level ng ang halos ikwento ko na lang ang itinuturo ko, parang kabarkada ko na lang si Gauss, si Frenzel, si Tomasi, si Boylestad at kung sino sino pang authors at may akda ng kung ano-anong laws sa physics, electronics and stuffs… kaya yun aalis na muna ako…at babalik namang muli =) haha! pero given ng politics and system ng school namin na to? I doubt na pagginusto ko nang bumalik sa pagtuturo e nandito pa rin ito…

“Wag ka munang umalis… siguraduhin mo muna ang lilipatan mo saka ka umalis” sabi ni Sir Sonny sa akin “San ka ba lilipat?” tanong pa nya…

“Di ko alam kung san ako lilipat Ser, basta alam ko meron akong mapapasukan… =) “ hanep din ako sa optimism…

Paglabas ko ng college na to… sasabay ako sa countless fresh grads na naghahanap din ng trabaho… kabisado ko pa rin nag pains nun, ang rejection ng interviews, ang malulupit na technical at IQ exams, mainit-init pa rin sa akin yun…

Determinasyon lang ang puhunan!

Best Wishes BATCH SY 2005-06! (at sa mga nauna pang batch na hinahanap pa rin nag lugar nila sa mundo… hehe tulad ko!)

WOOOOUUUUU!!!! =)

Wednesday, March 22, 2006

Grade Three

Grade Three

Wala naman akong makitang masyadong pinagkaiba sa pagpasok ko sa grade one saka sa grade two… siguro ang malupit lang e, dahil sa medyo masungit ang teacher naming nun, at naging madalas ang mga school meetings, nag impose ng bagong batas “sobrang bawal na ang magingay! At lumipat ng upuan”… ja-jaaaan! At siempre meron ding nain-troduce na bagong character! ang mahiwagang tigapaglista! (*gasp!!!) ng mga noisy at nips (not in proper seat)

Karaniwan ang tigapaglista ng mga maiingay e yung mga tinatawag na “teacher’s pet “ nirerespeto ang mga teacher’s pet sa school namin! Kasi sila rin yung mga running for awards and stuffs…

Malamang naranasan nyo yung kinakaya-kaya nyo yung tigapaglista dahil out-numbered sya. maari kayong mag-ingay ng sabay-sabay at mababaliw sya sa pagtantos ng kung ilang beses kayo nag-ingay… sa amin pag lumampas ng isang oras na walang teacher at marami-rami na ang tantos ng mga nag-iingay, ang gagawin ng pinakamalupit sa klase e aagawain yung listahan ng tigapaglista tapos reset sya ulit sa zero… ganun ng ganun ng ganun paulit ulit, so malas mo na lang kung halimbawa e may dalawang kopya pala ang tigapaglista at bluff copy lang pala yung nakuha nung una… sigurado yari ka sa teacher… Nung napagtanto namin na dalawa na pala ang ginagawang kopya ng tigapaglista gamit ang carbon paper =) madali lang ang naging solusyon, edi agawin yung dalawang kopya… siempre dahil sa pag walang napasa yung naglilista sa teacher , sya naman yung pagagalitan, e nanlalaban sya para wag makuha yung pangalawang kopya… bandang huli magwawagi din ang kasamaan… madalas ang maaabutan na lang ng teacher na maingay e yung umiiyak na tigapaglista…

Hindi naman buong school year e nag-aangasan kami… bumait naman din kami sandali sa aming pinakamamahal na tigapaglista… it was exactly 4:26 p.m. on Monday, 16 July 1990… grabe! Meron kaming reading session whatever ng mga kaklase ko nun, nasa harap si Ma’am Mendoza at impossible na may magharutan…ng mula sa likod e may umuga ng upuan ko… akala ko naman e may kinukuha lang yung kaklase ko sa ilalim e ilang ulit na umuga, parang napikon na yung kaklase kong si Leo at hinarapan yung kaklase ko sa likod… “ang kulit mo a!” pinicherahan nya sabay bigay ng malakas na kutos sa akala nyang nagbibiro naming kamagaral, nakatingin lang ako… gulat pa rin si Gilbert yung kinutusan ni Leo! Ni hindi ata naramdaman ang kutos sa kanya dahil nagtataka rin sya kung bakit umuuga pa rin…! Yun na nga! Lumilindol! Composed na compose pa rin ako… pero nung narinig ko na yung mga kaklase kong babae na umiiyak at yung iba naman ay pumapalahaw at nagdadasal… parang nadala na rin ako… lalo nasa dasal ni Darwin =) pano naman wala na akong narinig sa kanya kundi “AMA!!!” …wow… pinauwi na kami agad matapos ng lindol, pagdating ko sa bahay nakatawa pa ako… pero naiinis ako nung kinabukasan suspindido nga ang klase wala namang palabas kundi puro balita… pero kahit na ano sigurong asar mo e… mawawala, naintindihan ko na malubha pala ang nangyari… kung hindi matibay tibay ang school namin deads na kami ngaun… lalo na yung mga nasa building… magmula noon ay naging mabait na kami… naging masunurin sa teacher and all, at least hindi na problema yung mga magkakaklase n bigla na lang nagsusuntukan, at sinusunod na namin yung schedule ng kung sino ang magtatapon ng basura saq bawat araw… pero dahil sa hindi naman namin maintindihan kung bakit ba talaga bawal magingay e namuroblema pa rin sa amin sino pa ba? Ang tigapaglista pa rin haha!!!


Hindi kinaya ni Chivas-Regal (pangalan ng classmate ko!!! Astig no?!? kaya hindi ko nakalimutan, nakakalasing e, hehe) ang kalupitan ng mga kaklase ko nun… kaya parang anghel mula sa langit para sa teacher namin at impiernong naging tao ng magkaron kami ng bagong kaklase… ang late enrollee… si Elizabeth!!! Ang berdugo! Pambihira ano naman kung late enrollee sya? At babae sya diba? Dapat wala talagang problema ang mga estudyanteng parang iikot ang pwet pag hindi nakapagingay… kasi nga babae sya… e ang problema grade three lang kami nun! Dapat si Elizabeth bergudo e nasa second year highschool na!!! Lintik so ang laki nya talaga!!! Wooooohhh… nung una akala namin e mananalo kami dahil sa sheer numbers, pero napatahimik nya ang klase dahil sa kamay na bakal… marami-rami din akong classmate na iniuntog nya sa blackboard (parang Ultimate Warrior!!!), ikinulong sa mala-ataol na diban, yung lalagyan namin ng mga walis, floor wax at bunot (mala Undertaker!!!) talagang terror sya! terror!!! Yyaaaaaarggghhh!

Dahil sa kapansin-pansin ang kanyang anking kakayahan sa pagpapatahimik ng klase e nasali sya Girl Scouts of the Philippines na hindi ko malaman kung ano ang mga pinaggagawa sa twing sila ay pinapatawag, ang alam lang namin pag may Girl Scouts meet ganun-ganon e malaya kaming lahat na maiingay sa klase… walang mga babae!!! harutan at laro to the max!!! halos baliktarin namin yung kwarto wwouuuuuu saya!

So ganun nga no… masaya ang mga pananggulo pag wala si Elizabeth, pero parang bartolina ang classroom pag nandun sya… at wala namang school activity na nagtatagal ng buong school year, kaya madalas sa hindi na nagpapangabot kaming mga batang parang may ADHD at ang malupit na tigapaglistang si Elizabeth…

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko pag naaalala ko yung ginawa sa akin nung classmate kong yun… Birthday ko nun… yeah Birthday… edi dapat masaya diba? Hindi masyado kasi may pasok kami e… umaga palang nun, wala nanaman ang teacher namin, di ko alam kung may meeting ba o ano man… naihabilin nanaman kami kay Elizabeth. Ayun na recess… bago pa man magkagulo ang klase e nagpaalam na akong lalabas dahil sa kailangan kong magbanyo… pagdating sa banyo, nampucha! talaga namang box-office!!! Ang haba ng pila! Walang choice kailangang maghintay may tatlumpung minuto ata kaming naghintay nun, bago nakagamit ng palikuran… yeah! nakaraos… ok na sana ang lahat pabalik na ako sa room… “GERRY! PUMUNTA KA SULOK NA YUN (sabay turo sa sulok malapit sa blackboard) LUMUHOD KA!!!’ I’m bewildered!!! “anong ginawa ko??!” “MAINGAY KA E!!! (sabay buga ng apoy)” “panong nangyari yun e galing ako sa CR?!?” napaisip ang dragon… sabay banat ng “HINDI KA LULUHOD!?!?” hindi ko alam kung ano ba ang umiral sa akin nun pero, langya lumuhod naman ako… wow… dumating yung teacher si Ma’am Mendoza, pinaupo kami, na-relieve ako… sa sama ng loob wala na akong naalala pag katapos nun…

Parang war zone ang room namin nung grade three, dahil sa babae ang aming berdugong tigalista, hindi maiwasan na ang “rivalry of the sexes” niceeee naman… pag babae ang nag-ingay maliban na kaaway o katampuhan ng Elizabeth yun, tahimik pa rin sya sa listahan… pero ang mga usual suspects kahit absent e maingay pa rin, nandun pa rin sya sa listahan… kahit matulog pa yun, maingay pa rin yun… dumating nga yung point na sisingilin na yung fines ng mga maiingay… biruin mo ang babayaran ko daw e isangdaan at dalawamputlimang piso?!? Doon ako nag explode! Kahit na binalite nya ang kamay ko, wala talaga syang nakuha sa akin… hindi ako nangamoy barya kasi wala naman talaga akong ibibigay =).isangdaan at dalawamputlimang piso?!? Ang dami ko nang mabibiling chocobots, pompom crisp pop, at lala chocolates nun… Langya, elementary pala ako unang nakatikim ng pangongotong…

Katulad ng mga nagdaang taon nag Grade Three na malapit ng matapos e parang wala pa rin sa akin, sa palagay ko kasi pagmalapit nang matapos nag bawat school years para akong nagiging euphoric at laging nag a-out of body experience… haha! mas masaya pa ring I-anticipate nag gagawin buong two months summer vacation, maswerte pa nga ring may naaalala pa rin ako sa aking pagiging grade three, sa Grade Four?!? Nakupo wala! Maliban sa pagkakatanda kong sa building na kami nag-ro-room nun, sa third floor at nalulula sa taas ng building na yun dahil noon lang ako nakaakyat ng isang building wala na talaga… O na-accelerate ba ako to Grade Five?! O napunta ako sa time space warp shigishigui..? O iniuntog din ako ni Elizabeth at ako ay magkaron ng selective amnesia?!? O I-nubduct ako ng mga aliens?!

…?

Ah basta kahit na ano… Grade Five na tayo next!