Saturday, September 23, 2006

Mean Girls

Besides "life turning" failures, ang isa pa sa listahan ng mga kinatatakutan ko eh ang mga babae na merong strong personality...

Hindi nga... Strong personality...

Those girls that seem lack control on what they should talk and comment about, those girls that lash on you just for the fun of it, those who will tactlessly say what they think you are up to and what is on their mind, and they even notice the slightest detail that you can't even imagine how well they were able to read you! They are dominant, perceptive, they are difficult to please, most of the time umn... beautiful too; At bumubuga ng apoy!

I guess i'm the torpe "boy next door" type of guy... If its not love, i rather not bother and would be contented in just ogling... For me its just tiresome and not worth the time and resources... I stay away from these girls for unknown reasons or for reasons i just dont want to put up...

That mirror how confident i am with girls huh?
How i prayed that i would not encounter anyone like her during my teaching days, for i swear... Kung nakaencounter lang ako ng tulad nya, hindi ko alam ang gagawin ko... But sometimes, Heaven is just in the mood to be entertained, and send circumstances that will test you and have your ass spinning...

I guess my first mean girl experience was back in highschool, they are these "hot" guys gfs, yung mga bullies sa school... So i really stay away from them, i don't return their jokes, and i especially refrain from playing "pass the message" with them, yun ata ang naimbentong laro para maka-holding hands mo kahit sinong gusto mo... But the day just simply came that one of these girls flirted with me, i was soo o o confused, but not to soon i realized that she is somehow using me to make her ex-bf jealous and at times insulted..!!

Imaginin mo yung hinahabol ka para sa makatotohanang mga arm wrestlings, mawalan ng notebook(s) pag exam period na at malapit na itong checkan, tuksuhin twing hapon bago mag-uwian, at pagtawanan ng 'di mo alam...
'Twas hell...

But i guess life can't be that easy for them aswell, two years after highschool graduation most of them are already parents...

I survived through college without having to really interact with them, or even if i have to, i do business with them indirectly, bahala na ung mga kaibigan kong malulupit ang apog =) hehe...

Yun lang! I encountered them mean girls ng JSE days ko, sa persona ng aking team leader, although hindi naman talaga sya vulgar bitchy, her strong personality is evident... And so Salmon Day happened...

May nameet akong mean girl nung nagturo ako ulit... And i get to realize, mean girls are mean depende sa kung sino ang kaharap nila... They can be soft as well, like any other person... I was really scared of her tantrums once, but when i heard about her story, her family probs and her ill fated lovelife from her, i felt like crying with her... She's still a bitch towards other people though =)

Akala ko naiintindihan ko na... But no, each of themare just different. From the outside they are hardcore life survivors, perfect achievers, and in the inside you really can't tell, they seem really secure and you can't assume that they are soft inside. Ewan ko ba, why am i so affected by how these mean girls...

I guess in a way in their presence i get to gauge my best points and where i still need to understand with interacting with other people... I'm confident facing my students especially on topics i've prepared, i'm confident in life when i'm prepared... Pero de-numero ang galaw ko pag nasa bagong environment, especially on unwelcoming one, i tend to act the same when i'm in presence of these girls...

Minsan sobrang babaw talaga ng tingin ko sa buhay... Life's a bitch; at times she's friendly and you'll love her for it, times she just throw hell at you and you can't help but love her more when she's friendly again... And for that perspective i'll only mean life =)

Wednesday, September 13, 2006

Early Morning Slacks

0830H-1700H, day shift... Palagay mo ba may something peculiar sa mga
oras na to?

Ang weird kasi eh... Gumigising ako around 0530H, morning rituals and
all... Aalis ng mga 0630H, makikipagbuno sa fresh morning traffic, sa
kalsada ng mc arthur na parang kada dalawang taon eh ipinapagawa, sa
ilang mga walang utak at konsiderasyon na naninigarilyo sa jeep, sa
mala-american football na bunuan para makasakay ng lrt, bukod pa dyan ang
hirap para makahawak sa railings dahil marami ang masyadong attached at
nakayapos pa sa mga ito...

Kung medyo maluwag pa at maigagalaw ko pa ang mga braso ko,
makakapakinig ako ng "morning rush" sa rx fm with chico & delamar (ilang taon na
nga ba sila sa timeslot na yun?)...

Good morning diba? =)

At matapos ng lahat ng morning activity, mas expected sana na alive na
ako pagdating ng office, but no! Parang inaantok pa rin ako at nakakaexperience ng few second black-outs, yun tipong muntik nang humampas ang ulo mo kung saan dahil sa nakatulog ka sandali... Hanggat di humampas ang ulo ko o walang makapansin na nagkakaganon ako,
parang hindi ma-be-break ang spell, at hindi ako magiging totally awake...

You think coffee ang solusyon? Somehow i believe na mas nagpapagising
sa akin eh yung paglalakad papunta sa pantry, dahil parang inaantok na
ako ulit, the moment i have stopped moving...

Nawawala naman yang sleepy spell na yan mga 0930H, but unfortunately
bumabalik ang spell na yun by 1300H! Nagwalk-test kami just recently,
medyo inaantok pa rin ako kahit nasa sasakyan at tinuturuan kami ng mentor
namin, ang nagpagising lang sa akin eh eto...

Photobucket - Video and Image Hosting

Hwow! Obscene daw yung guard hehe! =)

Comedy, that sure is one good thing to wake you up... Saka mas pipiliin
ko naman na ng magising na dahil sa natawa ako kesa sa pinagtatawanan
ako ng superiors ko habang trinethreathen na hindi ako mareregular, or
making an awful mistake that would give me another day of rework...

I can only imagine kung gano kahirap ang manatiling gising sa mga
graveyard shifts... Tumutungga kaya sila ng galon-galong kape? Meron kayang
biglang nagpapatawa sa kanila? Nakatayo kaya sila magtrabaho para di
antukin? Paghumampas kaya ang ulo sa mesa nagigising sila o nakakatulog
ng tuluyan? Ano nga kaya?

Gising na ako... Balik na ulit sa trabaho!

Friday, September 01, 2006

New Lunch Soup

Nasubukan mo na bang hindi kumain ng hapunan, tapos agahan, malapit mo
nang ma-miss ang tanghalian, tapos saka ka palang kakain? Nakikita mo
pa rin ba ang sarili mo habang kumakain ka ng ganun ang stomach status
mo? Nalalasahan mo pa rin ba ang kinakain mo?

Walang kupas! Isa mga paborito kong activity sa buhay ang kumain...
Siempre mas masarap kung ang kasama mo sa pagkain eh yung ka sync din ng
bilis mo...

Nito lang ng makasama ko sa pagkain itong sina jums at ronald, at
napatunayan ko ang miraculous effect ng mga chilis! Ang nilantakan namin eh
yung salo-salo meals ng Chowking, Pambihirah! Naka-apat ata akong kanin
nun! Sobrang sulit! Batikan kasi tong si jums pagdating sa pagkain
(pero di sya tumataba!) record nya ang limang lugaw cups dun sa lugaw all
you can ng PUP... Apprentice nya si ronald, hehe...

Mula nun, eh natutuwa ako sa pagkain ng merong chilis, mapa jufran
sweet chili pa yan o simpleng siling labuyo sa toyo na pinigaan ng
calamansi, ayoko ng sili at suka, pangchicharon lang yun...

Ganun at sitwasyon ko kaninang tanghali, hindi ako nakapaghapunan dahil
gabi na ako nakauwi, nakakalaki raw ng tyan ang kumain ng ganung oras
at baka raw bangungutin pa ako, hindi rin ako nakapag-agahan dahil late
naman na ako nagising, hindi ko tuloy nainom ang masarap na kape,
timpla ni mama at ang tinolang manok na luto naman nya kagabi... Sana lang
may maabutan pa ako mamya...

Eto na! Sa wakas tanghalian na! Ang dami ng rice serving parang bundok!
Breaded porkchop ang kalaban... Hindi ko malaman kung san ko isasaw-saw
ang aking beloved breaded porkchop and the unimaginable happened (well
actually imaginable sya...)


Photobucket - Video and Image Hosting


vinegar ketchup soup! Woh! Sarap! May asim at tamis! Bangis! Sa kanyang
anghang natalo ko ang napakaraming kanin (may siling labuyo kasi yung suka, kasama sa supot)...

Nothing like a good chili... Damn it! i wont try it ever again...

Wednesday, August 30, 2006

AM Radio Jam

"kawikaan dos bersikulo tres hanggan beinte otso"

Bihira talaga ako makinig ng AM radio, nakikinig lang ako dati ng AM radio nung college, pag naghihintay ng announcement ng suspension ng klase at yun suspension ng klase...

Kaiba nitong isang araw, papunta ako ng Pasig nasakay ako ng fx taxi, hindi ko masigurado kung yung driver eh talagang nakikinig ng station na yun (radyo dasmariñas, radyo caviteño!) parang hindi rin eh, lumabas kasi sya at naghihintay ng pasahero...

Ang programa eh, ang sagutan ng dalawang announcer ng bersikulo galing sa bible, hindi talaga sagutan, parang duet sya... Babasahin nung mamà yung bersikulo tapos uulitin nung ale...

Yung boses nung mamà, ang boses nya ay parang kay eddie garcia, hindi ko naman siguro kung style nya yung parang galit na galit! Parang gusto nyang umulan ng nagbabagang asupre at malipol ang mga tao ng metro manila! Yung sa ale naman ay parang kay ate dely magpayo, malumanay na parang umaawat sa away =) hindi ko napagkinggan ng buo yung duet nila dahil nakatulog ako... Nagising na lang ako ng tumugtog na ang pop version ng "Our Father"... Lupit!

Hwow... Matapos ng icebreaker, sumunod na ang next program... Talkshow sya tungkol sa kalusugan..

"something interesting neh?" sabi ko sa sarili ko...

Nang sa aking pagkamangha, ang pinagusapan nila eh kung bakit mahalaga ang kalusugan! According to the bible! Hindi pa nagkasya sa yakidee yakideeyak kumanta pa sila! Hwoou!

(in tune of viva hot babes "bulaklak")
ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan, ang kalusugan, ang kalusuga'y mahalaga... ang kalusugan ay mahalaga... higit pa sa ginto!

Wala akong masabi! Pagpasok nung fx driver, nilipat nya ang estasyon... Siguro syang wala syang naoffend na nakikinig dahil lahat ng pasahero eh tulog na... (hmn... Hindi kaya isa itong modus? Hindi kaya kung tulog din ako eh dinukutan na kaming lahat?)

Walang mali sa mga sinasabi ng mga ale sa talkshow ng kalusugan,
although i beg to differ ng sabihin nyang nakakapagpasigla yung kalusugan jingle con bulaklak ng viva hotbabes, lalo namang walang mali dun sa kawikaan duet before the said talkshow... I guess hindi lang naging effective yung approach, dapat yung mas mellow, dapat parang heavenly... Nah, nonetheless i could have just read the bible on my pace, on my most mellow time... But come to think of it? Kailan ba ako huling nagbasa ng bible?

Minsan kasi, mas gusto pa nating magbasa o manood ng kung ano-ano, mas gusto nating gawin yung mga bawal... Tulad nito...



Ganda ng la mesa dam no? Pero kinuhanan ko sya dahil dun sa signboard...Proud pa ko sa kalokohan ko... =) magkapagsimba nga sa linggo...

Saturday, July 29, 2006

Concert!

Image hosting by Photobucket


Hindi pa talaga ako nakapupunta ng concert, maliban school performances
ng sikat na banda tulad ng george estregan experience o company
christmas parties ito ang first time ko...

Ang laki pala ng araneta? Bwehe!

Hindi naman din kasi ako party goer, i wouldn't mind if i never get to
watch any live performance by anyone, pinakapaborito kong banda ang
eraserheads pero kahit kailan hindi ko sila napanood live. Sabagay grade
six ako ng sumikat ang eraserheads, 4th year college na ata ako ng
tuluyan na silang nadisband... Sabagay, hehe wala naman akong pera para
manood nun eh...

Pero hindi nga! Ok lang ako...

I guess iba-iba talaga ang fetishes ng mga tao.. Nawi-weirduhan lang
siguro tayo s iba.. Nung hwebes (july 27, 06) narinig ko pa ang ilang tao
na nakikipagbargain kay mo twister ng magic 89.9 para sa mga free
concert tickets ng PCD! At simple lang naman ang trade eh, free tickets pero
ita-tatoo sa balat mo ang muka ni mo!

Hwow talaga! I guess hindi ko natagalan ang ego tripping ni mo at ng
mga kasama nya, kaya nilipat ko sa rx monster radio yung station... Kung
tinatooan nga ung mga tao, including this 32 year old guy na gustong
makakuha ng tickets para sa mga anak nya eh hindi ko alam, malabo naman
na pati ung 16 year old die hard PCD fan eh matatooan... I hope bluff
lang lahat yon, it would be a sad story i guess kung for just 2 hours of
PCD Performance mamamarkahan mo ang balat mo ng pagmumukha ng isang tao
na hindi mo man lang kakilala..

Needless to say nagenjoy din ako sa concert, although mas enjoy ako sa
panonood ng crowd reactions, it always amuses me to watch one celebrity
person control the reactions of everyone...

Yung pasigawin mo at maexcite mo yung mga tao sabay sabay.. Ang gara.. =)

"Stick With You" is still singing in the back of my head, i really
enjoyed the concert considering that i got the tickets for free, kaw na ang
may manager na malupit ang koneksyon sa marketing peeps, but if you'll
bargain with me 500 pesos for the concert kahit patron seat pa box A
sya, i'll yawn about it and would rather wait for the DVD copy...

Nostalgia

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Grabe ang lakas ng bwakanang ulan kanina... Maswerte pa rin ako,
pakiramdam ko kasi eh sa twing lalabas ako eh, humihina ang ulan. Nakakalakad
ng maayos at bubuhos ang lintik na ulan pagnakasakay na ako, swerte...

Wala akong pinagiisip kanina, dapat nga makikinig ako ng mp3 kanina
eh.. Pero may humahampas ng payong sa balikat ko, nung una akala ko wala
lang, nung pangalawa tinawag na ang atensyon ko...

"kulitaa a am.." pagtingin ko yun, si hesed pala! Kaklase ko nung
college pala! Lam ko huli ko syang naging kaklase 2nd year 2nd sem.. Mga
umn... Anim na taon?!

Nagshift pala sya, grumaduate s mcu.. Matapos mapatrouble sa ue..
(hehe, ibulgar daw ba?) grumaduate sya ng business ad isang taon matapos
kong grumaduate..

Isang taon na sya sa trabaho nya.. Samantalang wala pa kong tatlong
buwan sa trabaho ko.. Geez, dalawang taon akong late sa career development
ko dahil sa sinubukan kong magturo? Natatawa nga ako minsan eh, batch 7
ng mga cadet engineers, matindi na ang roots nila, pero mas matanda pa
ako sa kanila?!

Pero hindi un ang umiikot sa utak ko ng nakikipagkwentuhan ako kay
hesed, ang pinaguusapan namin eh ang kakwelahan namin nung college.. Nung
nagsisimula pa lang kami, nung sariwa pa ang mga pangarap..
Pinagkwentuhan namin ung drawing instructor naming si engr chan,
aksidenteng nabato sya ni hesed, nakipaghabulan sa kanya si sir para lang
ipa-guidance sya,

Yung mga combat boots naming umuusok habang bilad bilad kami sa rotc,
inalala namin kung may natutunan kami dun sa pagbibilad nun, haha...
Natawa lang kami..

Yung ballroom dancing na pe subject namin, na mas pinaglaanan namin ng
panahon kesa sa algebra at trigonometry.. (sarap ng pe na un, nung kasi
ang unang pagkakataon na ginusto ng kapartner kong si apple ng hawakan
ko sya sa bewang, o ako lang nagisip nun? Nah.. Sulit pa rin bwaha!)
Nakakalungkot, mahigit apatnapu kami nun, wala pa atang sampu sa mga
kaibigan ko nung 1st year college ang alam ko ang kinahinatnan..
May apat ata sa kanila ang nabuntis bago pa tumuntong ng 4th year..
Marami ring huminto, may nagshift at may nawala na lang at di ko na
nabalitaan kahit kailan..

Hindi ko talaga naisip nung 1st year college na darating ang panahon,
na kailangan ko palang magtrabaho, kung hindi kami kakain, hindi ko
naisip na ang mga gra-graduate ang susunod na bubuo ng lipunang ito,
mababaw lang ako, inakala ko na ang limang taon ay sing-tagal ng isang habang
buhay na puro saya..

Ambabaw... =)

Eto ako ngayon.. Malayo ang tingin sa silangan, may pag-asa magiging
maayos din ang lahat...

Bumaba kami ni hesed sa gil puyat station, jeep ang sasakyan nya sa de
poso daw sya, bus naman ako papuntang ayala, bago kami maghiwalay,
hiningi ko ang number nya, wala naman akong kabalak balak na itext sya pero
di ko mapigilan na di hingin ang number nya.. Dun ko naintindihan,
siguro gusto ko ulit bumalik sa pagiging freshmen... Kung san ang tingin ko
sa eskuwela ay lugar ng pagkatuto at isang napakalaking palaruan,
bumata ulit ako sandali, pagkatalikod ko't pagsakay sa bus... Malayo na pala
ang narating ko, at malayo pa ang pupuntahan... =)

nangyari nga pala ang kahapon...

Saturday, July 01, 2006

Semiotics ng Porn


ang galing naman talaga ng internet! nahanap ko pa itong dvd cover ng movie na to? ang tagal na nito a!


(disclaimer; Yan a! Konting maturity lang, sabagay hindi naman bastos
ang paguusapan natin, porn lang)


Dala ng murang isip ko, (well... dati) nung grade one pa lang... Na hindi dapat tumingin s cr ng babae lalo na't nandun sila dahil sa yun ay "masama" kahit minsan ay hindi ko ito ginawa, at wala akong kakilalang classmate n ginawa o nagtangkang gawin yun... Absolute rule sa amin yun! "dahil masama". Sa katulad din n dahilan kung bakit hindi ko hinawakan o tiningnan ang mga napakamahalay na tabloids noon.. Lalo na yung abante at tiktik (sabagay medyo bastos pa rin naman ang tiktik hanggang ngayon). Kaya inosenteng-inosente ako nun! Wow naman =)

Una akong nakapanood ng porno nung 2nd year highschool, s bahay ng barkada ko... VHS pa lang ang gamit nun, tanda ko pa nga ang title e "Silver Seduction". Back then, ang pagkakaalam ko lang e, silver e yung sunod
sa gold medal, wala pa akong ideya kung ano ang seduction. Dahil sa title sya ng triple x, inassume ko na bastos sya... Hindi ko maalala ang details after ng movie na hindi ko rin naman tinapos, 'di rin naman kailangan tapusin dahil wala naman itong istorya at saka di rin take ng kunsiensya at pang-unawa ko...

"Ganun pala yun?!!". Grabe iba ang feeling...

Awakening stage ang puberty hanggang early adolescence, dito raw nakakaranas ang isang tao ng tinatawag na "hormonal rages". Pinagaralan namin nung gradeschool ang reproductive system nung grade 5, pero hindi ko
inexpect ang nakita ko, kakaibang shock tlaga ang naging dulot nito sa akin...

Sadyang nakakamangha ang katawan ng tao, kasama na rito ang hormones, ang utak e nagtitimpla ng iba't ibang kemikals na ginagawang hormones, may hormones na nagpapasaya, nagpapalungkot, galit, takot, nagdudulot ng hallucinations at perfect bliss...

Kaya mas bilib ako sa mga taong ni minsan ay 'di nakapanuod ng porn... Either frigid sila na sa katotohanan eh abnormality, o dahil sa kanilang matinding mga paniniwala... Pero di ko alam kung bibilib din ako sa kaklase ko noong 1st year college, napakagaling nya sa mathematics! Master na nya ang maraming techniques sa algebra at trigonometry, habang kami eh, halos mangapa sa mga subjects na yun... Pero nagulat ako at
natawa ng magtanong sya out of nowhere "pre?!! ano yung libog?!" Curiosity ang unang dahilan kung bakit ako nanood ng porn, yung sumunod na mga panonood e dahil sa na-i-entertain na ako, iba eh! Sabi ko pa ayaw ko namang maging inosente...

At hindi nga ako naging inosente...

VHS at Beta pa ang uso nun, kasama na ang mga tabloids, nakita ko na ang halos lahat ng tabloids ay may sensual content, dumating din ang time na totally naging malinis din ang mga tabloids, na-over rule ang "right
of expression"... Dumating naman ang VCD at ang internet... Naging rampant as ever ang porn!

Hindi ko sigurado kung si Gary Lising ang nagsabi... "internet, what would be porn without it..." pero kung sino man sya, syet tama sya! At nakakalungkot kung gano kadali para sa kahit sa isang 7-year old ang makita ang mga bagay na sana e, later in life pa nila makikita, walang kakayahan ang ganitong edad na i-absorb ang sa edad nyang yun e basura...

Alam mo naman siguro ang tabloid na "Sagad", kung palupitan ng laman ang Sagad ay triple-x film sa papel, wala itong ibang laman kundi sex, sex at sex... Kung hindi mo ito nakikita sa lugar nyo, mababait ang mga
newspaper distributors nyo...

Liberalization at open mindedness, palusot para palusutin ang porn sa net at iba pang media, pano nga ba natin ito mako-control? May paraan ba para ang mga matatanda lang at may kakayahang makaunawa ang makahawak nito?

Nag-try akong magdownload ng isang clip, scandal daw ito ng isang school malapit sa amin... Habang pini-play ko ito, nagbo-browse naman ako sa isang blog na ang BG e "Take Me Out of the Dark" ni Gary V. dagdag pa
ang tatlong batang nakasilip sa monitor ko, nag-close na lang ako ng Player...

Napaka-ironic na problema nating lahat kung paano ang kailangang edukasyon ng kabataan ay maisasaksak sa mga utak nila... Sa kabilang banda sila naman ang humahanap ng mga basura sa internet na gusto sana natin na wag nilang basta mahawakan...

Naniniwala akong dapat isulong ang sex education, ang tanong sino ang magtuturo at pano ito ituturo... Magco-condone daw ng promiscuity ang pagtuturo ng safe sex dahil parang lalabas itong encouragement
pag-tinuro, samantalang tumataas naman ang teenage pregnancies, parang wala pa rin tayong correct answer... Parang "we are doomed"

Maselan talaga pagusapan ang ganitong mga bagay, turo nga ng sister nun namin sa college... Dapat ang tao ay di pumunta sa lugar na kaya syang traydurin ng kanyang sarili... Kung di ka maglalaro ng apoy di ka
mapapaso, pero pano kontrolin ang sarili! Ano nga kaya ang solusyon, ang hirap isipin parang naghahanap ng gamot sa cancer, dahil pagdating sa issue na yan halos tulad sa mas marami pang mga issues cancer mismo ang sakit natin...

Thursday, June 22, 2006

IECEP...?!

Naglulunch kami ng mga ka-batch kong graduate ng 2005, passer ng
november 05 din, nang ma-open yung tungkol s oath-taking. Oath taking? Siguro
kung may budget pa ako nun at hindi ako nagmamadaling makahanap ng
trabaho, malamang, nag-oath din ako, but then again...
Pero mas napaisip akong lalo ng pumasok na sa usapan ang tungkol s
IECEP.

Institute of Electronics and Communications Engineers of the
Philippines, hindi puedeng hindi ka magbayad ng initial due ng IECEP, pagkukunin
mo na ang license mo, hindi ko sure kung ganun din ang ibang
engineering body...

Pero ang weird kasi, narinig ko lang ulit ang IECEP s usapan ng mga
bagong engineers, dalawang taon matapos kong makuha ang lisensya at maging
miembro nito... San ba napunta ang Php300 na due namin? Ecstatic ka
kasi pagpasa ng board, siguro konti lang din ang kumuwestiyon s due na
iyon, hindi rin kasi ako nagtanong eh...

Naalala ko yung co-faculty ko sa pinagturuan kong school, 24 years na
syang ECE, langya! Di pa ako pinapanganak ECE na sya! Pero sya mismo
hindi nakaranas ng kahit anong perks galing sa org namin...
Di ko alam kung di lang ba ako nakikipagcoordinate o kung sadyang
nagpapalaki ng anuman ang org namin... Misteryo talaga yun sa akin... Wou...

At least hindi kasing tindi ng PSME magparamdam ang IECEP...

Friday, June 09, 2006

12:30AM (astig me!)

eto ang mga kasama ko sa work right now :) and how i find their company interesting, exciting and fun all together... ill be telling you guys more bout them... that is if i ever find the time to write them articles... till then! this will be fun!

Image hosting by Photobucket

Wednesday, May 10, 2006

and we are back in the ball game!!!

hindi pa rin ako masyadong makapaniwala, pero ok na rin at dahil sa kailangan na... mag-i-start na ako ng bagong work sa lunes! buti naman at di ko naipahiya ang sarili ko na makakahanap ako ng job before may ends...

kahit na sinisipsip ko ang mangilang dugo sa gilagid ko wou! mabuti naman at hindi ako nagkaka "that time of the month" at hindi rin ako heavy bleeder...

aliw! nauna ko na munang dinaanan ang NBI clearance ko.. yung sa carriedo? para san kaya talaga yung entrance nilang Php 20?? bah! ang dami rin nun huh?!? kala ko dati sa aircon, pero hindi naman centralized ang aircon at mangilang rooms lang ang meron nito... medyo na-wi-weirduhan din ako sa mga tiga-kuha ng fingerprints, kase mas marami sila kaysa sa cashier, o kaya tiga verify, at tiga release, at di hamak na mas konti sila sa mga tiga quality-control...

nag-"hit" ang NBI clearance ko, dahil ata sa kontrata ko sa DOST, hindi ako nagkamali, naghintay ako ng may 1 hour para makipag-chikahan sa quality control kung bakit ako scholar ng DOST...

dapat pa ba yung tanong ba yun?

niweys, matapos kong i-kwento na yun nga, pinirmahan nya ang aking resibo at tuloy na ulit ang kwento...

nang makarating ako sa ayala, kinuha ko na rin ang aking medical... dyahe pa rin ako sa dentista... wow talaga! pero nasa likod ko na yun at ako ay nakapagmove-on na... medyo bad trip lang, dahil naghintay pa ako ng hanggang 2:30pm para ma-release ang aking medical certificate... noon ko lang napagtanto na pamasahe lang pala ang dala ko...

syet hindi pala ako makakapaglunch!

sige ok lang... minsan lang naman e, besides pag-uwi ko sa bahay i can eat everything to my heart's content... medyo napag-self pity rin ako nun ng konti, pero konti lang... mas matindi ang enthusiasm ko nun wouuuuuu!!!!

lesson learned, dapat magbaon din ng pasobrang cash... wag pupunta sa venue kahit saan ng sakto lang ang money... hehe mahirap na...

NIWEYS!!! We are back in the ball game!!!
PANG-REGULAR NA TOOOOO WOUUUU!!! (uhurmn...)

bisaya ka ba?!? bisaya ka pala e

pagwalang trabaho... boring ang mundo, masagana sa free time, kargado ng pera ng nanay =) pinakatipid siemps ang mag-apply ng trabaho online... sa dinadaanan ko papunta sa tig-ki-kinse/hour na internet shop kailangang lumampas muna kami sa isang eskinita na merong isang pamilya na HANEP magpatugtog! lintik sa lakas!!! nasa bungad pa lang kami, para na kaming niyu-yugyog, akala ko natutuwa ang mga kapitbahay ng may isang malaking lalaki na sumungaw sa bintana sa tapat ng bahay ng malakas magpatugtog... sabay sigaw ng...

"p*t@ng *inang!!! BISAYA talaga!!! p*t@ng *na!!!"

wow! kung mahina-hina lang ng konti yung sounds ng kapitbahay ng nagpapatugtog ng "haring solomon" at "silong ni kaka" malamang naging mas masaya... sumisigaw yung mamang nagmumura, baka alam nya rin na di sya maririnig...

inaasahan mo na siempre kung sino ang madalas tumangkilik ng tig-ki-kinseng internet shop... mga bata at mga teenager, ngayon ko lang napansin... ganito sila mag-alaskahan...

"Tiny!!! lumusob ka! pinanghaharang mo si drow ranger!!! hindi kaya!!!"
"BISAYA ka ba?!? hindi kaya SIYEETTT!"
"T*ng *na nagaabang! BISAYA!!!"

ganun din pag-bayaran na...

"o sikwinta, limang oras e..."
"hehe... bisaya..."

???

Pauwi na ako, kasabay ng mangilang teenager, may nakasalubong kaming isang lalaking naka-longsleeves na fit parang stuntman, naka-maong, naka-tuck in, all black, nakashades at bulldog leather shoes... palagay ko e seaman yung mama, anchor design ba naman ang nakalambitin sa leeg nya.. pero hindi sinabi nung mga nakasabay ko na...

"uy seaman...!"

ang sinabi nila

"hehe... bisayang-bisaya!"

sabi nila ang umimbento ng salitang jologs ay ang mga coñong gustong i-distinguish ang mga grupo ng tao na hindi nila kasama... ngayon pinapaniwala tayo ng media na most masses e mga "jologs" somehow maswerte pa ang salitang ito, dahil puede mo syang gamiting pang-uri (adjective)sa isang tao pero hindi mo sya ma-o-offend... parang nasama na talaga sa culture to describe a person's old school preference, hindi katulad ng mga salitang "hampaslupa" at "PG" na kahit isahog mo sa joke e hindi pa rin nakakatawa mas madalas e nakakainsulto pa rin...

ang pilipinas ay binubuo ng pitong libong isla at higit pa, isa sa mga rason kung bakit daw sa hindi naman kalakihang bansa e, may iba't-ibang kultura ito... narinig ko na sa ibang tao na ang mga ilokano raw ay kuripot, ang mga kapampangan daw ay "dugong aso" at hanggang ngayon di ko sigurado kung yun ba e positibo o kabaliktaran...

hindi mo maririnig sa media yan... mabuti nga't maingat sila sa ganitong mga bagay... pero nananatiling nag-pre-prevail ang generalization na ito, depende sa pinanggagalingan lalawigan may kadikit na agad na description... siempre pinakamature kung tutunghayan mo ang isang tao, sa pagkatao nya talaga mo sya i-lalarawan, at hindi sa kung saang probinsya sya galing.... meron na akong nabasang "You're a Filipino if..." hindi ko sigurado kung kasing sarap nito basahin ang "You're an Ilocano if...", "You're a Pampanggeño if..." o "You're a Bisiya if..." at kung ano-ano pa...

hindi nakakatawa na sa pinanggalingang probinsya palang sinasalansan na natin ang isa't isa... katulad ng kung pano ang diskriminasyon ng white sa mga black dati at ngayon... mahirap maisip ang pagkakaisa pag ganon... maikli ang article na ito para pag-aralan ang pinanggalingan ng ganitong pag-uugali ng pinoy... thesis material yun...

hindi ko alam kung ito ay isang biro o titingnang negatibo ang salitang "bisaya" sa ilang mga taong nakita ko... guilty akong natawa pag-ibinabato ito sa iba, at naaasar pag nasabihan din nito... hindi ko lubos maisip kung paanong ang salitang ito ay naging katawagan sa taong baduy manamit, malakas magpatugtog kahit alanganing oras, walang sense of team work, nag-aabang para kunin ang pinaghirapan ng iba, at laging naka Artic Sniper Rifle at nag-aabang sa bunker...

nang ang tooong sabihin naman nito ay alam naman nating mga taong marunong magsalita ng dialektong ito at nanggaling sa Visayan region... hwow...


disclaimer: please lang po wag naman kayong mag go-ballistic sa akin dahil sa post na to, it's just how i se it from where i stand, saka mas ok kung tatapusin nyo muna yung article, i tried to be fair... magcomment na rin kayo para masaya... =)

Sunday, May 07, 2006

eom

nakasakay ka sa lrt... bagong bunot ang ngipin mo, eh nagdugo... ano gagawin mo?

Tuesday, May 02, 2006

Mahirap na Exams

Grabeh...! ugali ko nung college ang mag-cram ng mag-cram pag may exam, pero sa totoong buhay pala hindi dapat ito ginagawa, dahil mas malupit ang exams dito at dapat matagal mo na itong napaghandaan!

Tinanggal ko sa isip ko ang kahit anong posibilidad na darating ang exams na 'to... eto yung exams na kailangan para makapasok sa trabaho... kung magpapabaya at hindi maghahanda, talagang deads ka! o parurusahan kanito ng mabuti... tama talaga ang nabasa kong libro tungkol sa procastination...

"we tend to procastinate, when what we forsee is something negative or what we dont want to face, which will nonetheless get in to you unprepared and unaware."

takot talaga ako sa exam na 'to! at kahit ubod ng ganda at sexy ng proctor, wala itong nagawa para maibsan ang kaba at kahihiyang nakaamba...

muntikan ko nang sisihin ang nanay ko, kung dangan ba namang dinisiplina nya ako ng mabuti eh hindi ito dapat mangyayari sa akin ngayon...

talagang sobrang sama ng resulta...

2 for permanent filling
3 for extraction
and oral prophylaxis


nareview na naman ako sa kung ano ang ibig sabihin ng "habang-buhay" =(

Monday, May 01, 2006

Grade 5

Hindi ko talaga maintindihan ang aking "temporary amnesia" at wala akong maalala nung Grade 4, pero pakiramdam ko, nagkaisip ako ng Grade 5

Nagkaisip?!? Hindi ko maintindihan at nagtataka ako kung bakit may mga kaklase akong hirap na hirap matuto at bakit yung ibang kaklase ko naman e parang alam nila ang lahat ng bagay?!? mababaw ang tingin ko sa pag-aaral dahil sa hindi ko naman maintindihan kung bakit ako dapat mag-aral, pero dahil sa hiya ata takot ko sa teacher, natuto akong umintindi at umunawa ng binabasa ko, hidni rin ako kabilisang magcompute ng math, pero ok naman din... natuto akong mag-drawing ng half-note, whole-note, quarter-note, whole-rest,rest-room, g-clef at kung ano-ano pang musical symbols... yun lang hindi ko talaga naiintindihan ang teacher ko, palagay ko hindi nya talaga ito kayang ipaliwanag at ituro, puro pa-drawing, wala namang explanation, pero dahil sa madali lang bilugin ang ulo ng bata dati, hindi ako nag-react, hindi ako nagtanong... wow submissive...

Ang grading system ng elementary nong panahon ko ay nahahati sa apat na periods, 1st quarter, 2nd, 3rd at 4th, merong minsanang quiz, quarterly na periodical exams at araw-araw na pagbasa, pagsulat at sermunan... wala nang naglilista ng maingay. pero merong tiga-check ng palstic bag dahil sa phased-out na ang basurahan... lupit!!! nagkameron ng maraming chewing gum kaysa sa kulangot dahil sa bagong ordinansang ito! (axiom yun... hindi na kailangang i-test at pasubalian ang obserbasyong ito! ebidensya na kung ilang beses nabwisit ang nanay ko sa pagtatanggal ng bubble gum sa shorts ko twing maglalaba sya!) kahit na parang basura lang ang lecture notes ko, ayoko namang maglagay ng totoong basura sa bag ko... kaya ang kinakain ko sa recess e laging minatamis na saging champorado at lugaw basta hindi gagawa ng basura ok yun...

Hindi ako nagrereview para sa kahit anong exam at quiz nong elementary, mas mahalaga ang paglalaro, ang pag-aaral ay makakasira sa barkada at performance ko sa taguan, habulan, at batuhang bola...

Ang motivation ko noon ay baon, at yon tama baon lang... noon ko napatunayanna ang "appreciation" ay mas mainam na motivation kaysa sa baon, sermon at palo... ang lalim ng pagtanggap at pagpapahalaga ko nung isang beses matapos ang 2nd periodical exam namin sa science... sinabihan ako ng teacher ko...

"magaling pala itong si gerry..."

For the first time!!! Sya lang ang unang nagsabi sa akin nun! ang sarap palang makilala... ang sarap palang ma-appreciate...

Salamat sa teacher ko sa Science si Mrs. Elvira Dagohoy... nagkaron ako ng bagong rason para mag-aral... dahil sa dye-dyeeeennn... "appreciation" dati ang paborito kong subject ay HELE (sabi ng kapatid ko Home Economics & Living Education daw yun...)kung saan ang ginawa namin ay mag-ani ng mani, magbungkal ng lupa, magtanim ng buto at magdilig ng halaman.. ang saya! manual work! ang sarap saktan ng lupa! ibaon ang asarol at bungkalin ito... pero dahil sa mahiwagang appreciation, mas naging attentive ako sa lahat ng subject, mas ginusto kong tumawag ng positive attention, sinubukan pa namin ng isa kong pang ambitious at imaginative kong classmate na sumali sa isang practical science contest at ang entry namin ay ang wouuuu!!! nakakalokong...

"Solar Cooker!"

Kalokohan, dahil ito ay isang lutuan na ang gagawa ng ningas ay ang matinding sikat ng araw na ki-noncentrate ng lente... ok kulang pa paa ang galing namin hehe...

Section 2 ako buong elementary days ko, sabi nila mga section 1 daw ang pinakamagagaling... kaya nong highly motivated ako nun... sabi ko pagdating ng grade 6 kahit nakapantalon na silang lahat at nakashorts pa rin ako... mapapabilang ako sa kanila...

Kahit na motivated ako, hindi ko pa rin napapabayaan ang paglalaro ko.. ayos! sa totoo lang, hindi ko naman din kailangang magreview dahil multiple choice ang type ng exams, ang math naman kahit matagal bago ma-compute, nakukuha ko pa rin, needless to say, mas matataas ang grades ko mula ng ako ay ma-motivate...

Nung pipiliin na ang lima sa apatnapung estudyante na ipapadala sa section 1, wow! pang-anim ako!!! naungusan ako ng classmate ko ng ilang puntos dahil sa magagandang projects nya sa HELE! (paborito kong subject! trinaydor ako!!! yarrrrggghhhh!!!) nakapagpasa kasi sya ng hand thrower na gawa sa tubong bakal na binuksan ang gitna, tiyahin nya rin ang gumawa ng malaking signboard ng school... (saka mas mataas din ata sya sa akin sa math =) )

Yun ang una kong frustration! bukod sa hindi ako naibili ng nanay ko ng tig-do-doseng espada na may suksukan... inasam kong mapunta sa section 1 pero hindi ko nagawa dahil sa project na di ko kayang pantayan... hindi na kao motivated pagkatapos ng grade 5... ipinagpilitan ko sa aking sarili, hindi sila sobrang magaling kumpara sa akin... kaya ko rin ang kaya nila... (lam mo na pag ang bata na-frustrate isusumpa nya ang mundo...)

Challenged na ako
Challenge ang Grade 6...

Dry Swimming!!!

Ito ang libangan ng mga taong twing weekends lang bakasyon at walang oras para mag-organize o, mag reply sa text at tawag ng nag-oorganize! ang dye-dyeeeennn!!!

DRY SWIMMING

ALIW!!! ngayon ko lang kasi na try tong activity na toh! at talaga namang weeeee! ang saya! at siempre dahil sa ubod kayo ng busy, dapat ito ay ovenight dahil malamang may commitments pa rin ang mga sasama pagdating ng umaga o tanghali...

Ano naman ang mga kailangan dito? o sige, ang una sa lahat e kailangan mo nang mga kasama! group activity nga e! at dapat may mga kasama kang puyat! Tulad sa grupo namin, may isang call-center agent (so 'nuff said puyat sya), isang galing sa company bidding sa laguna, at isa pa na nag-organize naman ng birthday party... ayos! main ingridients!!! siemps kailangan din ng mga members na insistent at mapilit na ituloy ang event, pagkumpleto na puede nang isama lahaaaa aa aaat! ng kung sino pang gustong isama! o! ok! siemps kailangang mag-impake na ng gamit! dahil swimming yon, kailangan ng bagong bihisan, twalya, sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush, isama na rin yung personal necessities... kung mahina ang baga, may ulcer, diarrhea at uhurmn... red alert...

Ayos! dahil sa mas ok ang biglaan ang event, expected nyo na dapat mag-co-commute kayo, siguraduhin nyo naman ang kung ano ang sasakyan at lugar na pupuntahan, mahirap makarating dun kung wala kayong "doon" malaki ang kanluran, san doon kayo pupunta...

Next pagkain... ni wala ngang nag-asikaso ng sasakyan at mag-co-commute kayo, sino naman ang ini-expect nyong magluto??? ok lang! ano ang ginagawa ng value meals? fast-food? magkalapit naman lagi ang andoks manok at 7-11... mas malamang na bagong sweldo ang mga insistent components ng group kaya ayos! kami? pizza ang napag-diskitahan namin...

Hindi exciting kung 'di nyo ipipilit ang bawal sa mga overnight resort... ang mga alak! kasama na ang chasers, ok kasama si Alfonso, kung na-ho-home sick kayo puede rin naman si Grand Ma, kung feeling royalty Em-pi! wag bumili ng alak na masyadong mahal lalo na kung ang aim nyo eh, makitang sumusuka ang mga kasama nyo para mas maganda at masaya tingnan ang pictures at videos nyo... so kung ok na!!! challenge na to!

Magkita-kita sa isang lugar na alam nyong lahat bago mag-proceed sa resort may mala-late, ok lang yun... dahil mai-ju-justify nya yun kahit ano ang mangyari, saka yun ang test of friendship! hanep!

Pag nagkita-kita na kayo, mapagtatanto nyo na malaking kalokohan ang mag-commute ng dis-oras ng gabi, saka ang mga puyat at may red-alert e hindi pala puedeng mag-swimming, puede kung sa puede wag nang mamilosopo... ang mga mapipilit namang ituloy ang swimming kahit syet ang logistics, at gaguhan ang plano e mga nangungulit lang, na-mi-miss lang pala nila kayong lahat... mapagdedesisyunan nyo na tumuloy sa kabarkada nyong may maluwag na place, may cd-player at malawak na tulugan... mag inom at magkwentuhan magdamag... dahil pagod at puyatang ibang kasama konti lang ang mag-iinom nila at makakatulog na rin agad, ang makukulit e ang iinom ng majority ng alcoholic beverage nyo kaya patas lang din...

Walang nabasá! maliban kung may sususka =) siemps meron pa ring medyo sasamá ang kalooban; kasama talaga yon, sayangin nyo ba namang ang oras nila... humingi ng tawad ibili sila ng marshmallows...

Ewan ko ba sa grupo namin... karaniwan pag-plinano ang isang event, karaniwan ay nauuwi sa inuman, sabagay kung natuloy man ang swimming, inuman pa rin naman yun... bago magkita-kita halos murahin na ang isa't isa pero pag naghiwahiwalay na ok pa rin...

Ang tagal na ng mga problemang napagdaanan namin at hindi naman sa lahat ng oras nagkakatulungan kami, time na lang talaga ang test... nagdadamayan pa rin naman kami kahit pa'no, insecurities, success and failures... haha! ang lalim! pero tuyo pa rin kami (ano man ang ibig sabihin nun...)

Monday, April 17, 2006

Tuesday, April 11, 2006

eom

panong matatanggal ng small town lottery ang gambling habit ng mga pinoy na gawa raw ng malawakang jueteng?

Social Consciousness

wala lang, entry ko dun sa isang essay writing... hmnnn

Sa init ng panahon, sa commercial ng Nescafe at Coca-Cola sa tv at sa mga tambay na nagpa-plano ng kani-kanilang mga outing, hindi na talaga maitatanggi...Summer Vacation na!!!tagal ko nang graduate pero vacation pa rin ang tingin ko sa summer.
Pag summer ano ba ang naaalala ng mga tao? Halo-halo? Magpapayat para ok ang susuoting get-up sa beach o sa pool? Labhan ang mga kumot dahil sa init e mabilis
matuyo ang mga ito? Ewan ko lang ha, pag bakasyon kasi, napapansin ko na kakaunti lang ang mga ka-kumpetisyon kong teeners sa paggamit ng internet sa mga cafes, hindi ko sigurado kung dahil ba sa wala silang baon na puedeng gastusin o wala kasi yung
“thrill” ng pag-cu-cutting class...

Pag ganitong summer marami tayong napagtri-tripang gawin, mag-outing, mag-picnic, mangilan din ang nagtitika sa mahal na araw, namamanata, recollection at retreat. Pero dahil sa magastos ang mga ito at mainit namang talaga. Madalas na ginagawa ko e manood ng tv. Libre na pwede ko pang-i-tutok sa akin ang electric fan, kahit na mas malamig at mas maraming puedeng mabasa at mapanood sa internet mas madalas akong manood ng tv, hindi kasi praktikal at kailangan ko ring ilayo ang mata ko sa monitor.

Bihira rin akong magbasa ng diaryo. Tutal naman ang laman ng diaryo e karaniwang mapapanood din sa tv. Libre pa. Saka pag nanonood ako ng tv nagiging “in” ako sa uso. Katulad ng nanalo pala si Sasuke sa laban nya kay Naruto, o natapos na pala sa wakas ang Dragonball Z hanggang GT, ibinalik pala ang Zenki?!? Tuloy tuloy na yan hanggang sa mga tele-novela at tele-fantasya. Ano ba yung palabas sa gitna ng mga
animes at tele-novelas? Ah! Oo nga pala, balita! Dito ko nalaman na malaking pagbabago sa hinaharap ni Keanna Reeves matapos sa Pinoy Big Brother, pagpapakasal ni Raymart at Claudine, at ang nalalapit na panganganak ni Lea Salonga... hindi ko maintindihan dito sa lugar namin, malaking achievement ang marating ni Garduce at iba pang Filipino mountaineers ang tuktok ng Mt. Everest pero parang mas malaki pang
balita na nagkabalikan na sina Mark Herras at Jennilyn Mercado.

Hindi ganun kalalim ang pagkaunawa ko sa pangkalahatang ugali ng mga Filipino, pero sa nakikita ko sa lugar namin na mas interesado kami sa mga balitang direktang nararamdaman namin, tulad ng pagtaas ng gasolina, pagmahal ng karne, isda at gulay,
anong oras mawawalan ng tubig, anong oras darating ang truck na nangongolekta ng basura at ano ang meryenda sa karinderya ni Aling Chedeng. Sunod dyan ang mga
“good news” sa balita na nakakalungkot isipin e puro showbiz.

Hindi ko alam kung maganda ba o pangit na ang masang pinoy e may napakagaan na pagtingin sa buhay, na akala mo e hindi sya seryoso sa mga mas mabibigat at matitinding issue politikal na animo e wala syang pakialam hangga't hindi sya nasasaling ng mga pangyayari sa kanyang paligid. Ang katulad na aspeto rin marahil ang nagpapanatili sa “positive outlook” ng mga pinoy parang lagi pa rin syang masaya, sabi nga ni Allan Robles...

“The Filipinos are not happy because they are, but because its their way of survival”

Sa panahong ang lipunan ay halos maihahalintulad sa nagdaang martial law, ibinabaon at sinisira ang mga ebidensya ng masasamang gawa, ang cha-cha ay sinusulong para ang bicameral ay maging unicameral,ang highschool ratio ng teachers sa estudyante e
umaabot ng 1:60, maulan ang summer dahil sa La Niña, nanganganib ang mundo dahil sa Global Warming, naitatama ang mali at ang mali ay ginagawang tama. Hindi nakakatawa na tayo ay nag-iinarte na parang walang pakialam, nagumagalaw tayo sa dikta ng kung ano ang minsan ay na-”sensationalize” ng media, oo sila ang pinakamadaling pagkuhanan ng impormasyon pero hindi dapat maging ibig sabihin nito na sila na rin
ang gagawa ng desisyon para sa atin. Kailangan pa rin na maunawaan natin ang ginagawa natin dahil sa ito ang ating napag-isipan at hindi ito ang “in”.

Hindi ako naniniwala na tayo... ay wala talagang pakialam sa ating paligid, dahil kung ganon ay para ko nang binastos ang diwa ng EDSA, pero hindi rin naman
nakakabubuting iasa ang pagbabago sa ganitong klaseng pag-aaklas, kung pupunuin natin ang EDSA shrine para barahan ng tao mula Cubao hanggang Ayala, ilang
porsiento lang ba ito kumpara sa pangkabuuang 85 milyong Filipino? At saka pagkatapos ng pagpapalit at mangilan pa, ano naman ang kasunod? Hindi lang basta
pagbabago sa sistema, kundi pagbabago ng sarili...

Sa palagay ko hindi lang basta pakialam ang solusyon... ta ang mabuting balita ang pag-asang ito ay nakapunla pa rin sa marami-rami pa ring mga Filipino. Sa bawat highschool teacher na nagtya-taygang mgaturo ng sisentang estudyante ng sabay-sabay, sa mga tapat ng taong nagbabalik ng nawalang wallet at bag kahit pa ito ay puno ng pera, sa mga OFWs nating di parin kinakalimutan ang kanilang pagka-Filipino, sa mga mamamahayag na kahit mapatay masabi lang ang katotohanan, sa gumagawa ng mga
maliliit na bagay hindi lang dahil basta may pakialam sila kungdi may malasakit.

Matagal na panahon para mapagtanto at magkaron tayo ng tunay na malasakit. Mas matagal para mapayamang muli ang bansa, hindi basat pakialam. Sa pinakasimpleng pagtingin sa mga bagay, hindi kailangang maintindihan natinh lahat ang “Law of
Supply and Demand” ang deflation rate at kung anu-ano pang mga ganung-ganon pang terminolohiya na kailangan pa ng college degree para matutunan. Ang mas mahalaga
e maintindihan natin na para umangat ng sabay-sabay, kailangang di tayo maghatakan, ang maliliit na gawa ay bandang huli makakaapekto sa mas marami... ganun ka simple, ganun din kakumplikado.

Korea Novela Mania

Hindi ko sure kung ano ang malupit na nakita natin sa mga korea-novela bukod sa mga angelic na leading ladies at singkitin na leading men, kung tutuusin plot-wise, hindi naman napagiiwanan ang mga tele-novelang Filipino… pansin ko lang sa mga korea novelas ha…

• madalas ang plot e pinapaikot ng amnesia at mga sakit sa utak

• mayabang ang bidang lalaki pero soft din pala ang kalooban

• may mga eksenang papasanin ng lalaki ang bidang babae sa kanyang likod

• nagkakaaminan ng malupit pag nag kalasingan na o di kaya kung nananaginip ang babae o kaya e nagsasalita habang sya ay tulog…

• ang bidang babae ay hindi well to do, kung well to do man sya gusto nya naming maranasang maghirap

• weird ang title, ang grammar naman ay hindi magkakamali dahil sa ito e korean-english or japanese-english or blahblah-english, pero kahit pa! ang title e hindi mo maiko-connect sa plot ng istorya… maliban na lang kung ito e pangalan ng isa sa mga bida (bidang babae madalas)

• ang bidang babae e lintik manuntok at lagging ini-inda ng lahat.
• hairstyle na ang buhok na wala sa ayos, lalo na sa mga lalaki

• ang bidang babae ay madalas nakatirintas o di kaya e makapusod, basta nakatali, ang may karapatan lang maglugay e yung mga sophisticated characters… naglulugay din naman yung bidang babae yun e kung lasing sya o bagong ligo.

• gwapo daw yung bidang lalaki pero madalas naman e maganda rin sila

• ang bidang lalaki ay palasigaw at arogante

• uso ang sakitan, batukan, sipaan… pero ang lambing naman ng pagkakagawa (pero kung babae ang gumawa ng suntok… kahit mukang malambing eh iniinda pa rin to ng nasuntok) para makasakit, tapos papahiran ng nasuntok ang bibig para checkin ang tumulong laway.

• nagkakasama ang bidang lalake at bidang babae sa isang kwarto sa maraming magdamag pero walang nangyayari sa kanila… at mas madalas expected ng babae na may mangyayari sa kanila pero wala naman =)

• Pero kung sabagay, magkakaibang genre naman yan e… may serious, may drama, may fantaserye may documentary din…

Bilib lang ako sa Korean series na yan e, yung nakagawa sila ng mga series galing sa kanilang history, tingnan mo yung Jang-Geum (Jewel in the Palace) real life heroine talaga siya… sino bang makakapagsabi kung napuno rin ng biases ang kwento nya, kung may flaw ba sya o ano man, sigurado meron, kesa hindi nman sya santa diba? (kahit naman mga santo nag akasala) pero at least hinangaan pa rin sya for all her worth… wala pang estasyon na nangahas gumawa ng ganyan, pano naman kahit sino atang filipinong bayani e pupunuin pa rin ng kontrobersya… haha!

Hmn... ano pa ba? may iba ka pa bang observation?

Sunday, April 02, 2006

Magtayo daw ako ng Fans Club!!!

wala pa akong article na maisip talaga e... nonetheless woooouuuu!
Oths & Kat

Image hosting by Photobucket