Monday, April 17, 2006

Tuesday, April 11, 2006

eom

panong matatanggal ng small town lottery ang gambling habit ng mga pinoy na gawa raw ng malawakang jueteng?

Social Consciousness

wala lang, entry ko dun sa isang essay writing... hmnnn

Sa init ng panahon, sa commercial ng Nescafe at Coca-Cola sa tv at sa mga tambay na nagpa-plano ng kani-kanilang mga outing, hindi na talaga maitatanggi...Summer Vacation na!!!tagal ko nang graduate pero vacation pa rin ang tingin ko sa summer.
Pag summer ano ba ang naaalala ng mga tao? Halo-halo? Magpapayat para ok ang susuoting get-up sa beach o sa pool? Labhan ang mga kumot dahil sa init e mabilis
matuyo ang mga ito? Ewan ko lang ha, pag bakasyon kasi, napapansin ko na kakaunti lang ang mga ka-kumpetisyon kong teeners sa paggamit ng internet sa mga cafes, hindi ko sigurado kung dahil ba sa wala silang baon na puedeng gastusin o wala kasi yung
“thrill” ng pag-cu-cutting class...

Pag ganitong summer marami tayong napagtri-tripang gawin, mag-outing, mag-picnic, mangilan din ang nagtitika sa mahal na araw, namamanata, recollection at retreat. Pero dahil sa magastos ang mga ito at mainit namang talaga. Madalas na ginagawa ko e manood ng tv. Libre na pwede ko pang-i-tutok sa akin ang electric fan, kahit na mas malamig at mas maraming puedeng mabasa at mapanood sa internet mas madalas akong manood ng tv, hindi kasi praktikal at kailangan ko ring ilayo ang mata ko sa monitor.

Bihira rin akong magbasa ng diaryo. Tutal naman ang laman ng diaryo e karaniwang mapapanood din sa tv. Libre pa. Saka pag nanonood ako ng tv nagiging “in” ako sa uso. Katulad ng nanalo pala si Sasuke sa laban nya kay Naruto, o natapos na pala sa wakas ang Dragonball Z hanggang GT, ibinalik pala ang Zenki?!? Tuloy tuloy na yan hanggang sa mga tele-novela at tele-fantasya. Ano ba yung palabas sa gitna ng mga
animes at tele-novelas? Ah! Oo nga pala, balita! Dito ko nalaman na malaking pagbabago sa hinaharap ni Keanna Reeves matapos sa Pinoy Big Brother, pagpapakasal ni Raymart at Claudine, at ang nalalapit na panganganak ni Lea Salonga... hindi ko maintindihan dito sa lugar namin, malaking achievement ang marating ni Garduce at iba pang Filipino mountaineers ang tuktok ng Mt. Everest pero parang mas malaki pang
balita na nagkabalikan na sina Mark Herras at Jennilyn Mercado.

Hindi ganun kalalim ang pagkaunawa ko sa pangkalahatang ugali ng mga Filipino, pero sa nakikita ko sa lugar namin na mas interesado kami sa mga balitang direktang nararamdaman namin, tulad ng pagtaas ng gasolina, pagmahal ng karne, isda at gulay,
anong oras mawawalan ng tubig, anong oras darating ang truck na nangongolekta ng basura at ano ang meryenda sa karinderya ni Aling Chedeng. Sunod dyan ang mga
“good news” sa balita na nakakalungkot isipin e puro showbiz.

Hindi ko alam kung maganda ba o pangit na ang masang pinoy e may napakagaan na pagtingin sa buhay, na akala mo e hindi sya seryoso sa mga mas mabibigat at matitinding issue politikal na animo e wala syang pakialam hangga't hindi sya nasasaling ng mga pangyayari sa kanyang paligid. Ang katulad na aspeto rin marahil ang nagpapanatili sa “positive outlook” ng mga pinoy parang lagi pa rin syang masaya, sabi nga ni Allan Robles...

“The Filipinos are not happy because they are, but because its their way of survival”

Sa panahong ang lipunan ay halos maihahalintulad sa nagdaang martial law, ibinabaon at sinisira ang mga ebidensya ng masasamang gawa, ang cha-cha ay sinusulong para ang bicameral ay maging unicameral,ang highschool ratio ng teachers sa estudyante e
umaabot ng 1:60, maulan ang summer dahil sa La Niña, nanganganib ang mundo dahil sa Global Warming, naitatama ang mali at ang mali ay ginagawang tama. Hindi nakakatawa na tayo ay nag-iinarte na parang walang pakialam, nagumagalaw tayo sa dikta ng kung ano ang minsan ay na-”sensationalize” ng media, oo sila ang pinakamadaling pagkuhanan ng impormasyon pero hindi dapat maging ibig sabihin nito na sila na rin
ang gagawa ng desisyon para sa atin. Kailangan pa rin na maunawaan natin ang ginagawa natin dahil sa ito ang ating napag-isipan at hindi ito ang “in”.

Hindi ako naniniwala na tayo... ay wala talagang pakialam sa ating paligid, dahil kung ganon ay para ko nang binastos ang diwa ng EDSA, pero hindi rin naman
nakakabubuting iasa ang pagbabago sa ganitong klaseng pag-aaklas, kung pupunuin natin ang EDSA shrine para barahan ng tao mula Cubao hanggang Ayala, ilang
porsiento lang ba ito kumpara sa pangkabuuang 85 milyong Filipino? At saka pagkatapos ng pagpapalit at mangilan pa, ano naman ang kasunod? Hindi lang basta
pagbabago sa sistema, kundi pagbabago ng sarili...

Sa palagay ko hindi lang basta pakialam ang solusyon... ta ang mabuting balita ang pag-asang ito ay nakapunla pa rin sa marami-rami pa ring mga Filipino. Sa bawat highschool teacher na nagtya-taygang mgaturo ng sisentang estudyante ng sabay-sabay, sa mga tapat ng taong nagbabalik ng nawalang wallet at bag kahit pa ito ay puno ng pera, sa mga OFWs nating di parin kinakalimutan ang kanilang pagka-Filipino, sa mga mamamahayag na kahit mapatay masabi lang ang katotohanan, sa gumagawa ng mga
maliliit na bagay hindi lang dahil basta may pakialam sila kungdi may malasakit.

Matagal na panahon para mapagtanto at magkaron tayo ng tunay na malasakit. Mas matagal para mapayamang muli ang bansa, hindi basat pakialam. Sa pinakasimpleng pagtingin sa mga bagay, hindi kailangang maintindihan natinh lahat ang “Law of
Supply and Demand” ang deflation rate at kung anu-ano pang mga ganung-ganon pang terminolohiya na kailangan pa ng college degree para matutunan. Ang mas mahalaga
e maintindihan natin na para umangat ng sabay-sabay, kailangang di tayo maghatakan, ang maliliit na gawa ay bandang huli makakaapekto sa mas marami... ganun ka simple, ganun din kakumplikado.

Korea Novela Mania

Hindi ko sure kung ano ang malupit na nakita natin sa mga korea-novela bukod sa mga angelic na leading ladies at singkitin na leading men, kung tutuusin plot-wise, hindi naman napagiiwanan ang mga tele-novelang Filipino… pansin ko lang sa mga korea novelas ha…

• madalas ang plot e pinapaikot ng amnesia at mga sakit sa utak

• mayabang ang bidang lalaki pero soft din pala ang kalooban

• may mga eksenang papasanin ng lalaki ang bidang babae sa kanyang likod

• nagkakaaminan ng malupit pag nag kalasingan na o di kaya kung nananaginip ang babae o kaya e nagsasalita habang sya ay tulog…

• ang bidang babae ay hindi well to do, kung well to do man sya gusto nya naming maranasang maghirap

• weird ang title, ang grammar naman ay hindi magkakamali dahil sa ito e korean-english or japanese-english or blahblah-english, pero kahit pa! ang title e hindi mo maiko-connect sa plot ng istorya… maliban na lang kung ito e pangalan ng isa sa mga bida (bidang babae madalas)

• ang bidang babae e lintik manuntok at lagging ini-inda ng lahat.
• hairstyle na ang buhok na wala sa ayos, lalo na sa mga lalaki

• ang bidang babae ay madalas nakatirintas o di kaya e makapusod, basta nakatali, ang may karapatan lang maglugay e yung mga sophisticated characters… naglulugay din naman yung bidang babae yun e kung lasing sya o bagong ligo.

• gwapo daw yung bidang lalaki pero madalas naman e maganda rin sila

• ang bidang lalaki ay palasigaw at arogante

• uso ang sakitan, batukan, sipaan… pero ang lambing naman ng pagkakagawa (pero kung babae ang gumawa ng suntok… kahit mukang malambing eh iniinda pa rin to ng nasuntok) para makasakit, tapos papahiran ng nasuntok ang bibig para checkin ang tumulong laway.

• nagkakasama ang bidang lalake at bidang babae sa isang kwarto sa maraming magdamag pero walang nangyayari sa kanila… at mas madalas expected ng babae na may mangyayari sa kanila pero wala naman =)

• Pero kung sabagay, magkakaibang genre naman yan e… may serious, may drama, may fantaserye may documentary din…

Bilib lang ako sa Korean series na yan e, yung nakagawa sila ng mga series galing sa kanilang history, tingnan mo yung Jang-Geum (Jewel in the Palace) real life heroine talaga siya… sino bang makakapagsabi kung napuno rin ng biases ang kwento nya, kung may flaw ba sya o ano man, sigurado meron, kesa hindi nman sya santa diba? (kahit naman mga santo nag akasala) pero at least hinangaan pa rin sya for all her worth… wala pang estasyon na nangahas gumawa ng ganyan, pano naman kahit sino atang filipinong bayani e pupunuin pa rin ng kontrobersya… haha!

Hmn... ano pa ba? may iba ka pa bang observation?

Sunday, April 02, 2006

Magtayo daw ako ng Fans Club!!!

wala pa akong article na maisip talaga e... nonetheless woooouuuu!
Oths & Kat

Image hosting by Photobucket

Saturday, March 25, 2006

Graduation weeeeeeee!

Wow!!! Feel na feel ko na ulit yung tenteteten teneneneeeen teneneneeenenen tenenenen tentenen (graduation march). This particular school year graduation is quite important for me… pano naman i promised myself na aalis ako uli sa academe at maghahanap na ulit ng job sa industry o sa field o kahit saan… pinaka-ideal sana yung job na tipong pa-country side… Batangas, Cavite o Laguna… ok yun para maramdaman ko naman ang tinatawag na “independence”

Weeeh “independence” nararamdaman ko yung graduation, hindi ko lang alam kung masaya ba ako, malungkot? O kung gusto ko bang maging masaya o gusto ko bang maging sentimental… I try to feel deep inside, hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang i-iinarte ko… para kasing wala e… parang namamanhid na ewan ang katawan ko sa nais nitong maramdaman,

Ano nga ba talaga?

Nitong second sem maaga akong gumigising, usually 5:30 to 5:45am gising na ako, morning rituals, ligo etc etc… tapos kakain (maswerte pa rin ako’t inaasikaso kami ni mama =) pag labas ko ng banyo nakahain na ang sinangag, kape at itlog yay! nakainit na rin ang ulam kagabi…), makikinig ng radyo o manonood ng news… pagkaubos ng almusal isusuot ko na ang uniform ko, pink na barong pag lunes, blue pag martes at berde naman pag huwebes… maliban sa mga nabanggit na araw puede kahit na anong kulay ng polo…

Bibiyahe ako ng 45 minutes hanggang isang oras… 30 minutes kung piloto na nagpapalipad ng jeep ang nasakyan ko… madalas nakakatulog pa rin ako sa byahe, pagdating ng bayan, novaliches kung 7:30am pa lang sa relo ko, lalakarin ko na lang hanggang sa eskuwelahan (exercise nag reason ko pero nag totoo e nagtitipid lang ako haha!) pero kung 7:45am na? Sasakay na ako nun… pag MWF Algebra ang una kong klase pag TtH parang ayokong pumasok klase ko naman e Adavnce Networking pero basic LAN Connection nag tinuturo ko… kahit pa magkaano late man o on-time, ganun ang simula ng weekdays ko…

Buong araw na magtuturo, minsan petiks pag pa-quiz ako sa isang subject minsan petiks buong araw pag exam period, maaga pa ang uwi! Uuwi ako either 7:30pm pag MW at 7:00pm pag TtH maaga ang Fridays at masaya ako pag Biernes kasi nakakagala ako sa SM Valenzuela pag-uwi… Nakakatawang isipin na ang schedule ng isang instructor o teacher e pare-pareho lang pero ang bawat araw ay magkakaiba… nagiging stress free lang naman ang pagtuturo pag dumating na yung time na sobrang master mo yung subject at parang nagku-kwento ka na lang, yun lang after the long while alam mo… maghahanap ka na ng challenge at dahil dun e ma-bo-bore ka so, after a long while ang stress-free na trabaho dahil sa wala nang challenge e magiging stressful na ulit… hayyy what a layp!!!

Hindi ko alam kung meron talagang teacher na gra-graduate career-wise may hangganan ba ang pagtuturo? Diba walang katapusan nag pag-aaral? (*scratches head)

Isang school year na pala ang lumipas at eto nanaman nag summer, walang pinagbago ang estado ng buhay ko… although going back to my roots taught me umn… to be patient and even if impatient appear as if you still are, as if everything will eventually come to you, I also learned to smile a lot, despite how things don’t go my way… sabagay kahit naman na saan ako, bandang huli matututunan ko rin lahat yun, pero dito, dito ko sa school natutunan lahat ng yun…

Patapos na nga ang school year, wala na ulit tayong trabaho, isang taon ang nakalipas eto pa rin tayo… nandito pa rin tayo basically kung saan tayo naiipit at naiwan nung isang taon =) hindi ko alam kung ngayon ba e excited ako o nagwo-worry sa mga uncertainties

Looking back last year noong nagpupulot palang ulit ako ng sarili ko, hindi ko na-imagine na makakabalik ako sa pagtuturo, well not that soon, but ‘lo and behold nakatapos ako ngaun ng school year at bukas e a-attend ng graduation…

Walang pinagbago nag school mula noong umalis ako dito, natatawa pa rin ako sa sistema ng attendance sheets (ganito yun e, ito yung mga cardboard-like sheets na binebenta Php 30 for 3 pieces para sa Prelims, Midterms and Finals… supposedly pinipirmahan ito kada simula ng klase, pero tingnan mo naman, kung algebra ang subject ng instructor at isang oras lang ang meeting mauubos ang oras nya sa pagpirma ng attendance sheets ng mga estudyante, stating that umattend sila sa klase na yun… siemps milya-milya ang layo ng kadalian ng index cards, kung saan ang tini-take down nalang ng instructor e yung absences… meron ba sa school nyo yan?! WALA!!! Kahit highschool hindi ako nakarinig ng gumamit ng ganyang attendance shits!!! So para san ulit yun?)… kulang-kulang pa rin nag gamit namin, parang public high-school, at prublema pa rin ng mga estudyante ang isang instructor nilang ang dami nang kaso pero hindi pa rin natatanggal… wow ~~ politics =)

Sa palagay ko ang college e parang miniature ng totoong society, kumpleto lahat! Yung mga mabubuting tao… yung mga nagtatanggol sa naaapi, yung mga pulis na sumusunod lang sa utos at mga nangongotong, yung legislative branch na gumagawa ng batas (sa paggawa ng batas at pagimbestiga ng kaso dito sa school namin, may malinaw na idea na ako kung bakit SYET naman sa tagal ang pagagawa ng batas at pag-iimbestiga, basta pumasok na ang mahiwagang “self interest:” due process will really take forever…! ) yung executive committee na nabibigyan ng mahiwagang pardon ang mga kakampi nya at halos gawing impierno ang buhay ng kalaban nya…lahat! As in lahat!

Bat nga ba ulit ako bumalik sa school? Dahil ba sa kailangan ko ng GOOD job? (Get Out Of Debt)? Hindi ko plinano na bumalik agad, gusto ko muna sanang marating yung level ng ang halos ikwento ko na lang ang itinuturo ko, parang kabarkada ko na lang si Gauss, si Frenzel, si Tomasi, si Boylestad at kung sino sino pang authors at may akda ng kung ano-anong laws sa physics, electronics and stuffs… kaya yun aalis na muna ako…at babalik namang muli =) haha! pero given ng politics and system ng school namin na to? I doubt na pagginusto ko nang bumalik sa pagtuturo e nandito pa rin ito…

“Wag ka munang umalis… siguraduhin mo muna ang lilipatan mo saka ka umalis” sabi ni Sir Sonny sa akin “San ka ba lilipat?” tanong pa nya…

“Di ko alam kung san ako lilipat Ser, basta alam ko meron akong mapapasukan… =) “ hanep din ako sa optimism…

Paglabas ko ng college na to… sasabay ako sa countless fresh grads na naghahanap din ng trabaho… kabisado ko pa rin nag pains nun, ang rejection ng interviews, ang malulupit na technical at IQ exams, mainit-init pa rin sa akin yun…

Determinasyon lang ang puhunan!

Best Wishes BATCH SY 2005-06! (at sa mga nauna pang batch na hinahanap pa rin nag lugar nila sa mundo… hehe tulad ko!)

WOOOOUUUUU!!!! =)

Wednesday, March 22, 2006

Grade Three

Grade Three

Wala naman akong makitang masyadong pinagkaiba sa pagpasok ko sa grade one saka sa grade two… siguro ang malupit lang e, dahil sa medyo masungit ang teacher naming nun, at naging madalas ang mga school meetings, nag impose ng bagong batas “sobrang bawal na ang magingay! At lumipat ng upuan”… ja-jaaaan! At siempre meron ding nain-troduce na bagong character! ang mahiwagang tigapaglista! (*gasp!!!) ng mga noisy at nips (not in proper seat)

Karaniwan ang tigapaglista ng mga maiingay e yung mga tinatawag na “teacher’s pet “ nirerespeto ang mga teacher’s pet sa school namin! Kasi sila rin yung mga running for awards and stuffs…

Malamang naranasan nyo yung kinakaya-kaya nyo yung tigapaglista dahil out-numbered sya. maari kayong mag-ingay ng sabay-sabay at mababaliw sya sa pagtantos ng kung ilang beses kayo nag-ingay… sa amin pag lumampas ng isang oras na walang teacher at marami-rami na ang tantos ng mga nag-iingay, ang gagawin ng pinakamalupit sa klase e aagawain yung listahan ng tigapaglista tapos reset sya ulit sa zero… ganun ng ganun ng ganun paulit ulit, so malas mo na lang kung halimbawa e may dalawang kopya pala ang tigapaglista at bluff copy lang pala yung nakuha nung una… sigurado yari ka sa teacher… Nung napagtanto namin na dalawa na pala ang ginagawang kopya ng tigapaglista gamit ang carbon paper =) madali lang ang naging solusyon, edi agawin yung dalawang kopya… siempre dahil sa pag walang napasa yung naglilista sa teacher , sya naman yung pagagalitan, e nanlalaban sya para wag makuha yung pangalawang kopya… bandang huli magwawagi din ang kasamaan… madalas ang maaabutan na lang ng teacher na maingay e yung umiiyak na tigapaglista…

Hindi naman buong school year e nag-aangasan kami… bumait naman din kami sandali sa aming pinakamamahal na tigapaglista… it was exactly 4:26 p.m. on Monday, 16 July 1990… grabe! Meron kaming reading session whatever ng mga kaklase ko nun, nasa harap si Ma’am Mendoza at impossible na may magharutan…ng mula sa likod e may umuga ng upuan ko… akala ko naman e may kinukuha lang yung kaklase ko sa ilalim e ilang ulit na umuga, parang napikon na yung kaklase kong si Leo at hinarapan yung kaklase ko sa likod… “ang kulit mo a!” pinicherahan nya sabay bigay ng malakas na kutos sa akala nyang nagbibiro naming kamagaral, nakatingin lang ako… gulat pa rin si Gilbert yung kinutusan ni Leo! Ni hindi ata naramdaman ang kutos sa kanya dahil nagtataka rin sya kung bakit umuuga pa rin…! Yun na nga! Lumilindol! Composed na compose pa rin ako… pero nung narinig ko na yung mga kaklase kong babae na umiiyak at yung iba naman ay pumapalahaw at nagdadasal… parang nadala na rin ako… lalo nasa dasal ni Darwin =) pano naman wala na akong narinig sa kanya kundi “AMA!!!” …wow… pinauwi na kami agad matapos ng lindol, pagdating ko sa bahay nakatawa pa ako… pero naiinis ako nung kinabukasan suspindido nga ang klase wala namang palabas kundi puro balita… pero kahit na ano sigurong asar mo e… mawawala, naintindihan ko na malubha pala ang nangyari… kung hindi matibay tibay ang school namin deads na kami ngaun… lalo na yung mga nasa building… magmula noon ay naging mabait na kami… naging masunurin sa teacher and all, at least hindi na problema yung mga magkakaklase n bigla na lang nagsusuntukan, at sinusunod na namin yung schedule ng kung sino ang magtatapon ng basura saq bawat araw… pero dahil sa hindi naman namin maintindihan kung bakit ba talaga bawal magingay e namuroblema pa rin sa amin sino pa ba? Ang tigapaglista pa rin haha!!!


Hindi kinaya ni Chivas-Regal (pangalan ng classmate ko!!! Astig no?!? kaya hindi ko nakalimutan, nakakalasing e, hehe) ang kalupitan ng mga kaklase ko nun… kaya parang anghel mula sa langit para sa teacher namin at impiernong naging tao ng magkaron kami ng bagong kaklase… ang late enrollee… si Elizabeth!!! Ang berdugo! Pambihira ano naman kung late enrollee sya? At babae sya diba? Dapat wala talagang problema ang mga estudyanteng parang iikot ang pwet pag hindi nakapagingay… kasi nga babae sya… e ang problema grade three lang kami nun! Dapat si Elizabeth bergudo e nasa second year highschool na!!! Lintik so ang laki nya talaga!!! Wooooohhh… nung una akala namin e mananalo kami dahil sa sheer numbers, pero napatahimik nya ang klase dahil sa kamay na bakal… marami-rami din akong classmate na iniuntog nya sa blackboard (parang Ultimate Warrior!!!), ikinulong sa mala-ataol na diban, yung lalagyan namin ng mga walis, floor wax at bunot (mala Undertaker!!!) talagang terror sya! terror!!! Yyaaaaaarggghhh!

Dahil sa kapansin-pansin ang kanyang anking kakayahan sa pagpapatahimik ng klase e nasali sya Girl Scouts of the Philippines na hindi ko malaman kung ano ang mga pinaggagawa sa twing sila ay pinapatawag, ang alam lang namin pag may Girl Scouts meet ganun-ganon e malaya kaming lahat na maiingay sa klase… walang mga babae!!! harutan at laro to the max!!! halos baliktarin namin yung kwarto wwouuuuuu saya!

So ganun nga no… masaya ang mga pananggulo pag wala si Elizabeth, pero parang bartolina ang classroom pag nandun sya… at wala namang school activity na nagtatagal ng buong school year, kaya madalas sa hindi na nagpapangabot kaming mga batang parang may ADHD at ang malupit na tigapaglistang si Elizabeth…

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko pag naaalala ko yung ginawa sa akin nung classmate kong yun… Birthday ko nun… yeah Birthday… edi dapat masaya diba? Hindi masyado kasi may pasok kami e… umaga palang nun, wala nanaman ang teacher namin, di ko alam kung may meeting ba o ano man… naihabilin nanaman kami kay Elizabeth. Ayun na recess… bago pa man magkagulo ang klase e nagpaalam na akong lalabas dahil sa kailangan kong magbanyo… pagdating sa banyo, nampucha! talaga namang box-office!!! Ang haba ng pila! Walang choice kailangang maghintay may tatlumpung minuto ata kaming naghintay nun, bago nakagamit ng palikuran… yeah! nakaraos… ok na sana ang lahat pabalik na ako sa room… “GERRY! PUMUNTA KA SULOK NA YUN (sabay turo sa sulok malapit sa blackboard) LUMUHOD KA!!!’ I’m bewildered!!! “anong ginawa ko??!” “MAINGAY KA E!!! (sabay buga ng apoy)” “panong nangyari yun e galing ako sa CR?!?” napaisip ang dragon… sabay banat ng “HINDI KA LULUHOD!?!?” hindi ko alam kung ano ba ang umiral sa akin nun pero, langya lumuhod naman ako… wow… dumating yung teacher si Ma’am Mendoza, pinaupo kami, na-relieve ako… sa sama ng loob wala na akong naalala pag katapos nun…

Parang war zone ang room namin nung grade three, dahil sa babae ang aming berdugong tigalista, hindi maiwasan na ang “rivalry of the sexes” niceeee naman… pag babae ang nag-ingay maliban na kaaway o katampuhan ng Elizabeth yun, tahimik pa rin sya sa listahan… pero ang mga usual suspects kahit absent e maingay pa rin, nandun pa rin sya sa listahan… kahit matulog pa yun, maingay pa rin yun… dumating nga yung point na sisingilin na yung fines ng mga maiingay… biruin mo ang babayaran ko daw e isangdaan at dalawamputlimang piso?!? Doon ako nag explode! Kahit na binalite nya ang kamay ko, wala talaga syang nakuha sa akin… hindi ako nangamoy barya kasi wala naman talaga akong ibibigay =).isangdaan at dalawamputlimang piso?!? Ang dami ko nang mabibiling chocobots, pompom crisp pop, at lala chocolates nun… Langya, elementary pala ako unang nakatikim ng pangongotong…

Katulad ng mga nagdaang taon nag Grade Three na malapit ng matapos e parang wala pa rin sa akin, sa palagay ko kasi pagmalapit nang matapos nag bawat school years para akong nagiging euphoric at laging nag a-out of body experience… haha! mas masaya pa ring I-anticipate nag gagawin buong two months summer vacation, maswerte pa nga ring may naaalala pa rin ako sa aking pagiging grade three, sa Grade Four?!? Nakupo wala! Maliban sa pagkakatanda kong sa building na kami nag-ro-room nun, sa third floor at nalulula sa taas ng building na yun dahil noon lang ako nakaakyat ng isang building wala na talaga… O na-accelerate ba ako to Grade Five?! O napunta ako sa time space warp shigishigui..? O iniuntog din ako ni Elizabeth at ako ay magkaron ng selective amnesia?!? O I-nubduct ako ng mga aliens?!

…?

Ah basta kahit na ano… Grade Five na tayo next!

Friday, January 27, 2006

I Dont Know...~~!~?

"I dont know..."

siguro kung hirap na hirap si GMA na sabihin ang "I am sorry..." ang mga instructors, teachers professors e, hirap na hirap sabihin ang

"I don't know..."

para kami sa kanila e (ok, para sa amin...) ang ibig sabihin nyan e, parang... "hindi ko napaghandaan yan, sisantehin nyo na ako..." well of course kung assigned sa instructor na yun yung suppose to be subject na tinuturo nya...

"I don't know..."

meron akong subject na hawak right now... Transmission Media... well i know being a novice that i am, it is not an excuse that i am new to the field of teaching because suppose to be e, napagaralan ko dapat yun ng college...

e hindi nga e... hindi ko alam yung some part, and talaga namang hirap na hirap akong magprepare... inalala ko kung bakit... sige reminisce...

SYET! eto rin yung same subject kung saan hirap na hirap ako ng review season palang!!! tama ito nga!!! yung antenna, non-resonant line, coefficient of reflection yada yada... subject na may 50+ formula! ito nga!!! and how many times have i prayed na sana e konti lang ang lumabas sa subject na yun...

buti na lang...

and i thought that was the last of it... hell no... nagturo pa ako nito ngaun!!! bat ko ba to nahawak-hawakan... so there was i, searching from my old college notes and lectures, but to my surprise i found nothing... what i found is a lecture manual we use to buy 'round Php 120-150...

unti-unti bumalik sa ala-ala ko yung subject na yun nung tine-take up namin... naalalako si sir D@!+()7!!! yun yung subject kung saan e natutulog ako sa bilyaran kasama nila oths, jaime and juls...! dahil sa ang sabi sa amin e, lintek lang sa dali yung mga topic whatnots at matatanda na kami kaya na namin itong kabisaduhin!!!

syet!

kaya pala ang laman ng lecture manual ko e, maraming fictional characters na pinapangarap kong buuan ng kwento dahil ng mga panahon na yun e nangangarap akong maging kartunista!

mas malubha pa yun... dahil nakatulog ako sa subject na yun sa bilyaran twing hapon dahil matapos kaming i-dismiss ng maaga e wala na akong ginagawa! hindi katulad ng Control Systems na nakakatulog ako dahil galing ako sa Dyabee matapos ng closing-opening schedule ko...

wow lufet!

hindi nga kaya no? dalawa lang siguro ang rason kung bakit ang teacher e tamad-na-tamad ituro ang ibang subject na hawak nya... either na dahil sa tamad talaga sya... o, tamad kasi yung teacher na nagturo sa kanya nung subject na yun at nahawa lang sya

"a teacher affects eternity, no one knows where his influence ends..."

tama nga...

hay... pambihira talaga... at least im trying to break the freaking cycle, kung baga sa trabahong JSE... im doing lots and lots of re-work because of previous errors...

ang hirap mahuli sa ganung point na gusto mo na ring sabihing

"i don't know"

hindi ko alam... sya... sya... marami pa akong aaralin... woooohhhh!!!

(basa page ano na ako e... ah oo tama so; if a transmission line matching device is to be useful in a range offhhf didferernte matc hiang si ttuid bnaskasd zzzzzzzZZZZZZZZzZzZ)

Thursday, January 26, 2006

Professional Student

Professional Student

How Do Instructors Hide Feelings From Their Student?

wou haba ng title!

im just wondering how instructors hide their feelings, although of course im not just talking about "ang cute ni ganito..." or "t&^#@&# nakakabastos na to a..."

so yun...

ang weeeeird e... this is the first time that i kinda gone ballistic with a student...

i'm teaching this what we call "capacitor action" so i was demonstrating it with a multitester to one of my student who dont seem to catch up easily...

"o nakita no na bumabalik ang pointer ng tester sa infinity... ano ang ibig sabihin nun? (for the nth time...) "

"sir... bad condition..."

(what the! pang ilan beses ko na bang binanggit good nga yun good!!!)

and then one of my student kinda laughed and made fun of the poor classmate...

medyo sinita ko yung estudyante pointing the tester probe to him... and suddenly my student carelessly commemted...

"imbes na pagtawanan nyo ako sana turuan nyo ako..."

well, i cant blame him i guess if he got it all wrong... nor the careless remark, i told him that i never meant to make a fool out of him, and in fact im actually scolding his classmate...

oh well... yun lang medyo nasigawan ko yung bata...

hay...

another story is about my student in one of my morning class... geez, im most of the time intimidated by charming and women with strong personality, but i never realized that i will feel like that towrds one of my student, ang pinakamadali... edi i-ignore mo yung student...

wouuu...!

but did i texted that student of mine saying that i am a fan of hers? tinext ko nga ata...? nah...

Ser Kamuka Nyo Pala si Jasmine Trias

me: so class that is how the (freakin...) fm receiver works... are there any questions?

b.c.: sir kamuka nyo pala si jasmine trias!!!

me:(wer did that come from???)

Image hosting by Photobucket

Tuesday, January 03, 2006

...and the start of another

woah! 2006 na yeah!

isa sa lang ang napagtanto ko, dapat pala e hindi natin masyadong siniseryoso ang pag-blo-blog, chances are, hindi ka makakapaglagay ng entry... so from now on, im just going to type whatever that sprout in my mind...

nice...

so yun nga diba? bumalik na ulit tayo sa school sa loob ng dalawang linggo e, wala akong na-prepare na lesson, wala talaga! ang sarap kasi ng bakasyon e... hehe, actually ako ay nag.. uhurm soul-searching... yeah soul-searching...

like bakit ganito ang buhay natin ganito ganyan...

sa totoo lang, ang 2005 ang pinakamagulong parte ng buhay ko... well sabi ko lang yun, san ka pa, dito sa taong nawala sa akin ang isa sa pinakamahalagang organization na kasapi ako (Legion of Mary), dito rin nawala ang isa sa promising job (Accenture) at nawala ang what i thought is a relationship that will last...

pambihira talaga, kahit alam natin na medyo magulo din ang 2006, it seems that im more excited for it than actually fearing it...

sabagay, things can't be that worst...

ano naman kaya ang magiging kalagayan ng bansa?
mas mahabang kwento yun...

Wednesday, October 26, 2005

Sembreak

Natutuwa talaga akong mabalitaan kung kumusta na ang ibang mga ka-klase at friends ko sa college, like Karen, she had been training in India, while Marc had been in US for some new system implementation and training. Oths with his band won the best band of the year in their company, Juls have been very proficient and reliable in his department as an electronics engineer, Jaime is about to become a Software Engineer, a position higher from the position I once have (Junior Software Engr… wow!), and Dense from what I have heard is training to become a flight attendant (no argument bout that though…)

So with all of their success and all, I get to think… am I going down the right path…? Or am I just keeping my self well… inferior…?

Right now I’m on sembreak, so basically I’m a bum… the only thing that is keeping me busy is the review sessions I am having with my students who are to embark on Siemen’s PLC Programming contest next month November… and the DOTA wars I get to play every night 9pm up to umn… 1:00am? (no wonder I always ends up like a slug a have a hard time waking up every morning…!)

yeah… I’m an instructor indeed, but the one who is utterly a novice, I even haven’t started pursuing my masters yet, and sadly don’t even have a plan of doing so… MFI’s 60 hour courses like hmn… Cellphone repair are inviting, I might enjoy learning more of the practical stuffs than to pursue another level in my education i.e. my masters… kasi in the back of my head, I’m still thinking of having a job on the field…and not just stay in the academe all my career life…

Pakiramdam ko talaga e, nagpapaikot-ikot na lang ang mga inferiorities ko like my pursuit for a challenging field work, the last one I had was indeed challenging but unfortunately it have to end (see Salmon Day). So where it left me? Ayoko rin namang isipin na ang trabaho bilang instructor e degrading, kasi hindi! Ang pagiging instructor o teacher ay may mas mataas na level sa iba pang trabaho, dahil ang isang guro ang umuukit ng future ng susunod na society…! (nice…)

Ilang beses ko nang narinig yung words (not word by word though) na…
“a teacher affects eternity, no one can tell where his/her influence ends…”

But still I can’t find my self to be a best of my field… nandun na rin siguro yung pagkabaguhan ko sa pagtuturo…. Pero I guess its more of the financial and self fulfillment issue…

Pano ko ba na-appreciate ang pagtuturo?

Well… we are looked upon by our students to be a superior on topics we teach, sometimes overrated pa nga… the nostalgic feeling of staying young because everyone around you is young (hmn… is that a positive or negative?)… you get to enjoy the basketball games, the culinary meals, and other college activities and stuffs (like the contests and exhibits, even field trips yay!)… and most of all… the fact that you are making others realize their dream and reach for it =)

Nonetheless, this still might be my last sem, for teaching… by summer, meron man o walang available na work… iiwan ko muna ang pagtuturo at maghahanap ng mas malagong field experience… hindi lang dahil sa… well financial, kundi para na rin sa self fulfillment… yes such strong word self-fulfillment is… gusto ko pag balik ko sa aking teaching career, I cannot just inspire… I cannot just make my students realize their full potentials, I want them to really learn more from me… grow on me… and I cannot do that until I’m well… career fulfilled my self…

Niweys, I’m looking forward for this upcoming sem… where I can learn more of myself, enjoy everything that there is in my grasp, and teach more than I know =) kahit ako ang proficiency ko e sakto lang… haaayyy… siguro kung ang mga topnotch students natin ang mga magiging instructor ng ating mga institusyon… e di sana mas malupit ang ating mga estudyante, at I’m sure mas magiging mataas ang quality ng education… pero I guess sa ngayon mas mabigat pa rin ang passion, ang puso ng ating ginagawa dahil kung meron tayo nun… I guess other things will indeed follow =) yeah!

Friday, October 21, 2005

Grade Two

So yun nga tapos na tayo ng grade one… I had the taste of my first summer vacation and wow ang saya! Muling bumalik sa dati ang buhay ko, I mean yung tipong wala kang ginagawa the whole morning, piko, tumbang preso, batuhang bola, taguang pong, lupit! At siguro kung iisipin, malaki ang pasalamat ko sa mga magulang ko na dumaan ako sa paglalaro at pangungulit sa kanila, dati kasi wala akong pakialam dun, pero nung medyo nagbinata na ako dun ko naunawaan na di lahat ng bata e dumadaan sa pagkabata… (nice senti hehe).

Yun lang hindi ko maintindihan nung bata pa ako kung bakit kailangang matulog tuwing tanghali, kailangan ba talaga yun? Para lumaki daw agad… nah, basta ako ang ginagawa ko nun e, inilalamutak ko yung muka ko sa unan ng mga 15 minutes, pag katapos kong ikuskos ang muka ko sa unan for 15 minutes, muka na akong bagong gising… (Pero ngaung medyo matanda na di ko naman maintindihan kung bakit twing tanghali e ang sarap matulog… sheeesh, dapat pala itinulog ko na lahat ng tulog ko nung bata pa ako…)

Nung mga panahong din yun ako na-addict sa family computer, yung Nintendo? Lupit nun! Ang games pa lang non e Super Mario, Contra Rambo, Adventure Island, Twin Bee among the others! Madalas laruin yung twin bee o kaya Contra Rambo kasi nga dalawahan, pero all time favorite non yung Mario! Marami ring addict nun sa Pacman pero ewan ko di ko masyadong naappreciate e, yun yng tipong twing hapon e pupunta ako sa palaruan sa may kanto sa amin, ok na sa akin ang makapanood ng mga naglalaro, Makita ko lang yung matingkad na color ng games, happy na ako nun! Medyo badtrip nga lang marinig na may mga estudyante ngaun, na nag-cu-cutting pa para lang mag laro ng counter strike, o ng mga lan games, pero mas bad trip yung mga computeran na nagpapalaro sa mga batang nag-cutting… (palagay ko ang problema dun e, hindi kasi makita ng mga bata kung saan ba nila gagamitin yung mga bagay na natututunan nila sa pag aaral sa school, hindi siguro katamaran o bunga ng walang maliw na katangahan yun, e putek! nga yung ibang nakikita kong bata kabisado ang napakaraming codes sa counterstrike, yung gl_spriteblend 0 cl_movespeed 32000 lahat!!! As in! e mahigit dalawampu ata yon… pero tanungin mo kung ano yung 3 times 3 yay! tapos! Pero bago pa maging thesis material ng evils ng computer games ang article na to, simple lang naman yan, ang computer games e libangan lang, pampalipas oras, pagaaksaya ng panahon kung marami ka nito… hindi ito ginagawang tanang buhay… kasi for all we know computer games are just a form of fantasy, at kailangang mabuhay tayo sa tunay na mundo paminsan minsan…)

Kung meron akong first first crush palagay ko yun yung apo nung may-ari ng computeran na madalas kong tambayan, as in madalas kong tambayan! For a fact kasi pumupunta lang ako dun para mag miron, magturo sa ilang mga newbies kung ano ang lalaruin, ano yung secret ng ganito ganyan… (remember the walang kamatayang 30 lives sa contra? up up down down left right left right a b a b select (kung two players) start) so nung tinuruan ko sya ng up up down down left right left right a b a b select (kung two players) start, I was over her shoulders and wwwooooww… nung lang ako nakalanghap ng mabangong buhok ng babae… so kung merong lagi akong tuturuan, gusto ko sya lagi =) mababaw lang kasi naman dapat ang mga bata diba? Hehe…

Ang di ko lang siguro na enjoy nung mga panahon na yun e, wala ako laging pera… (nuff said)

Di nagtagal e naririnig na sa tv ang commercial ng National Bookstore… ayun na! back to school na ulit! Iniimagine ko na yung twing umaga e nasa school ako at nagbabasa, tapos mag-o-one plus one ulit, o kaya multiplication o kaya science o kaya English… bagong gamit! Yay! Sarap talaga pag ang bahay nyo e amoy pabrika ng school supplies, and again I thank my parents for that… pagnanghihingi ako ng pera pambili ng espadang may suksukan e hindi ako napagbigyan ng nanay ko… (“ma hindi na ako hihingi ng pera habambuhay, bigyan nyo lang po ako ng 12 pesos” buti na lang di pinatulan ng nanay ko yung banat na yun ha! ha! =))

Eto na nga June na!!! fooom! pasukan na ang saya… muli ko nanamang nakita yung mga classmates kong magagaling sa kagaguhan… hindi akong magulong estudyante sa ilalim ni Ma’am Villaverde pero naaaliw akong makitang naguguluhan sya sa amin… section 2 ako ulit, as if I care naman…

Natatandaan mo ba yung itsura ng mga upuan ng gradeschool? Sila yung mga mahahaba na upuan, table ng likurang desk yung unang desk, tapos patungan naman ng bag ng mga nasa harapan ang silya sa unahan nila. Pagganon ang silya masarap maupo sa unahan libreng lalagyan ng silya at di pa masikip =)

Kung merong akong natatandaan sa pagupo sa harapan e yun yung ka-klase kong fan ng “thundercats” natatandaan nyo pa ba yun? Yun yung cartoons kung saan ang bidang character e mayroong espadang katulad ng kay panday… humahaba… so basically ang nangyayari e yung may-ari ng espada e sisigaw ng “thunder thunder thunder WOOOHHH!~~!” and viola ang kaninang kutsilyo e magiging espada. Yung classmate kong yun e walang dalang espada… at wala din syang dalang kutsilyo, lalaki yung classmate ko, ano ba sa lalaki ang humahaba…? Gago talaga yung classmate kong yun, dun ko rin napagtanto ang tinatawag na “erection”. Ibang klase talaga ang innocence noon, wala pa kasing internet… =) pero given ngaun, at noon it would be safe to assume na by this time ang classmate kong yun e may asawa na, at least may makakaappreciate na ng kanyang “thundercats”

Wala namang masyadong pinagkaiba ang grade two sa grade one, noong ako ang nakaupo dun sa silya na yun, pareho pa rin ang bisyo ko, ang mag-intay ng uwian, at maging lost sa mga gagawin… lagi kong binabasa yung schedule ng teacher ko, at hanggang ngayon e natatawa akong imagining na ang recess namin e 10minutes lang… =)

Di ko sigurado kung ano nga bang pinaggagawa talaga nung grade two, siguro mas mahaba lang yung pinapabasa na words, yung science ganun pa rin… filipino ganun din… math ganun din… wala medyo vogue talaga e, malamang busy ako nun, busy matulog…

Tuesday, August 30, 2005

3 Lies

this is from my beloved second mentor to the corporate world...
langya sabi na e! it is bound to happen!!!


3 Lies

1. hindi ako galit.
2. this is nonfat.
3. i'm ok.


salmon day! salmon day! yaaaaarrrgghh!
niweys pag oras mo na, oras mo na :)

Sunday, August 21, 2005

Teacher! Teacher!

At least sumusulat na ulit ang panda ballpen ko.

Ang gara a! miraculously gumagana na ang hinayupak na ballpen ko, ang bilis ng panahon we are now on our third step sa ina-aaplyan ko… magtuloy tuloy naman sana. Ano kaya ang mayroon dun?

Ewan ko ba… pag iniisip ko na meron pang four more absences na kailangan kong I-take, nahihiya ako sa Department Head namin, pero sabi naman nung nakasabay ko last time si cesar… “ Nandun ba ang OPPORTUNITY”

San nga ba ang opportunity? San nga ba ang calling?

Buong week halos hindi ako nagprepare ng exams and everything seems to be turning inside out of me, pero eto yun e… its not that I can’t help it… its just that, im… geez… unmotivated, in other words… im lazy…

Being lazy… Unmotivated…

“where was the promise of more soul?” when all we are doing is finding fault in our work? Hindi tayo makakapaginspire nyan kung tayo mismo ay nag-aalinlangan…

Teachers are people too…
….aaah, yes they are…

Sa loob ng classroom hindi nakikita ng mga estudyante na ang mga teachers ay nagpe-perform din, pinaghahandaan ang bawat lessons, constantly learning new stuffs to add up to what they already know, para pag hand down ng knowledge sa estudyante may bonus… may dagdag… unless the teacher is trying to make it easy for hisself…

…making it easy for oneself…

Hindi madali ang pagiging teacher… iba ibang tao sa araw araw, minsan tinatamad na rin silang umunawa… sa classroom sino ba ang nasa offending at defending ends…?

Iniisip ko kung ano ang dapat na malaman ng estudyante ko para sa board-exams, ano ang dapat nakahanda at ihanda ng estudyante ko para makita nila ang nangyayari sa equations, makita nila ang concept ng mga sciences… ano ba ang itsura ng magnetic field? Ng bit and baud? Ng Graham’s Law of diffusion… commutation… GAH! Nakikita ba nila yun o mas hinihintay nila yung “any questions? If there is none, and your through copying, you are free to go…”

Free to go…

I wonder if teachers are suppose to feel glad ‘bout the downside of teaching… you’ll have to see your students climbing the stairs you set for them then they will soon forget you… and if they get lucky, you might wonder if you will be able to do the same and do the big thing they have done if you were on the same situation. If your student failed, could you have helped avoiding it, baka may nakalimutan kang ituro… nagkulang kang maka-inspire…

Ang galing! Your success as a teacher is a downside of an egocentric self (of course I know that’s also a proof of your teaching effectivity…)

But a failure of a student is a failure of the teacher as well…

Perks ng pagiging teacher… I guess I’m something looking at it the wrong way… there is a need to inspire and set as an example and not just throw endless theoretics…

I wonder if I’m inspiring…

I guess that’s one of improbable mathematical equations that can only be answered by trial an error… =)

Minsan kasi napakahirap bitawan ng mga katagang “bakit nga kaya?” at “hindi ko rin alam” lalo na kung ang estudyante mo e ang tingin sa mga teachers ay “mindless know alls” ha! ha! Pano ba ulit yun?!?

On the end of the day you’ll be glad to hear (if to any consolation that your student became considerate and sensible to your real life shortcomings)

“sir / ma’ am thank you po ulit” =)

Marinig mo lang yun ok na… hindi na mahalaga kung sa likod nun e… kung ang kadikit ba nun e… “uto – uto”
Or the worst language with the colorful words =( “tanga… bobo magturo”)

Ang mga teachers ay tao rin… they enjoy a happy company, recognition, respect and being loved… may it be friendly, parental or amorous…

Naniniwala ako most of teachers don’t teach for money… though they know, they need it =)

“Class walang yumayaman ng madali sa pamamasukan”
“E sir ba’t po kayo namamasukan at nagtuturo???”

There are countless positive ways to answer that rhetorical question, pero siempre… malamang mauna ang nasa puso talaga ng teacher… malamang yung iba nga di pa agad makasagot…

Pero nakikita ba yun ng estudyante??! I doubt it… (guilty rin ako noon e ha! ha!) pero ok lang hindi na rin naman nila kailangang malaman… dahil sa classoom hindi ang teacher ang main character, kungdi yung conflict, plot or minsan ang villain…

Pero ang mga students… yep! Sila! Sila ang bida…

Sunday, July 31, 2005

eom

bakit ba ang tanong lagi ng mga nagpapasweet sa ibang person e "kumain ka na ba?!?"
ever heard someone sa gf or bf nya na nagtanong "naligo ka na ba?!?"

meron na ata akong narinig na ganun... wala lang... :)

Monday, July 25, 2005

eom

pag ba sinabi na "nagpagulpi ako" ano ba ibig sabihin nun? nagulpi yung nagsabi o meron syang pinagulping ibang tao? hmnnn?!?

Thursday, July 21, 2005

Grade OnE

Wow its batam-bata! (July 09 2005)

So yun nga yung kindergarten diba? Narealize ko na papasok na pala ako ng elementary nung na-experience ko ang pakikipagbuno namin ni mama sa gitna rin ng maraming mga nanay, ang dame! ang naririnig ko laging salita ng mga sandaling yun e “birth certificate” birth certificate! birth certificate! maswerte pa rin pala ako nun kasi, at least naiparehistro pala ako ni mama kahit na hilot lang daw ako nilabor… ( niweys siguro gusto lang din talaga ni mama ng certificate sa pagaanak sa akin dahil ayon sa kanya e tatlong araw ako nilabor, imagine?! dapat November 30 ang birthday ko pero naging December 03! ang lufet! diba??! )

Wala talaga akong pakialam nung grade one… pilot section daw ako, section one ng panghapon… pinakamatatalino daw ng pang hapon?!? oo nga e, san kaya nila binase yun? siguro kasi nung kinder ako may award ako, “Best in Matiyaga” hehe, shucks mag ka-award lang… (pero ewan ko ha?! hayop na coincidence yan, halos lahat ng mga nakikilala ko ngaun e 1st honor daw sila ng kinder!!!) Grade one yes… sisiw na sisiw sa akin yung grade one yung basa basa ng “aba” “bao” “tao” “kuto” wala sa akin yun! master ko na yun kasi pag nasa bahay kami at tinuturuan akong magbasa, palo ang katumbas ng bawat letra na hindi ko mabasa, looking it back now… yun din siguro kung bakit tinatamad akong mag-aral, napag dikit ko kasi yung word na palo at basa… kaya obedient akong estudyante kahit hindi ako interesado, (hmm dapat ata mag take na rin ako ng psychology :) ) Tuwang tuwa ako sa grade one bukod sa pencil case kong maraming pasikot sikot at mababangong plastic envelop, art papers at kokomban, e dun sa mga snacks na pinagbibili sa labas, yung hotdog sandwich na nakadila lang sa dulo ng tinapay ang mga hotdog at nagdurugo sa ketchup, yung ibat bang flavors ng zesto at sun glo, yung ays crambol saka yung malalaking tinapay na hugis isda at buwaya, piso lang sila noon, at lintek naman sa laki! pang limang bata ata yun…

Marami rin akong katanungan nung bata pa ako, hindi ko lang matanong si Miss Alfonso nuon kasi masungit sya, pinapatayo nya yung mga classmates kong hindi nakakapagbasa ng matagal na matagal! ganun din yung ginagawa nya sa mga classmates kong di makasagot ng one plus one, sa totoo lang weirdong weirdo ako sa mga setup namin nun! bakit ang mga salita na babasahin namin e, nasa mga prutas na papel na nasa basket na papel din at kailangan pang pitasin, ibat ibang prutas daw yun pero lahat naman sila e mukang manggang iba’t iba ang kulay. tapos twing magbabasa kami bakit kailangan sabay sabay, bakit kami nang pa-pray oras-oras? bakit ang ikli lang ng recess? bakit ang sungit ni ma’am! sa sobrang sungit ni ma’am may classmate talaga akong tumae sa silya nya!

Hindi ko rin naman masisisi yung classmate ko na yun, maari rin naman na natae sya hindi lang dahil takot kay Miss Alfonso kundi, hindi sya matae sa palikuran. niccceeeee palikuran hehe, ano ba ang itsura ng ancient palikuran namin… hmmm, imaginin mo, dalawang dibisyon lang sya, magkatabi yung mga babae at lalaki, (lam mo napaka gentlemen ng mga bata sa amin nung elementary kasi kahit kailan hindi ako nakarinig ng kwentong nanilip ang mga lalaki sa cr ng mga babae, ako hindi ako nanilip kahit kailan kasi yun daw ay masama… ano nakakatawa dun tama naman a…) walang pinto ang magkabilang palikuran, ang ihian ng mga lalaki e mga butas butas sa sahig na deretsong kanal, walang pusali nuon! kaya imaginin mo ang panghe! walang lalaking nakakaihi sa dulo ng cr, kasi pipigilin mo diba ang pag hinga mo, papasok ka sa loob, pigil pigil ang paghinga hanggang makalabas, kung sa dulo ka iihi, hindi ka makakalabas ng hindi humihinga, sigurado mahihilo ka, kung gusto mong I-dare ang sarili mo at umihi sa dulo kailangan may kasama ka na malakas din ang loob, at least kung sakaling mahilo ka, dalawa kayo… so ako kasama ng ibang bata sa pinto lang kami umiihi, nakikita ng mga babae ang mga patutoy namin pero “who cares!” hindi ko alam kung ano ang itsura ng cr ng mga babae kasi kahit kailan hindi nga ako sumilip dun diba? kasi nga masama!

Grade one ko rin unang na-experience ang grade card… kasi hindi ko kahit kailan nakita o napansin man lang na may grade card kami nung kinder, pero nung grade one evident talaga! noon meron lang apat na subjects, science, math, filipino, at saka english. lahat ng grades ko nung grade one puro palakol! line of seven talaga! looking back, hindi naman ako nakaramdam ng katiting na hirap sa grade one, siguro nga kasi e, wala akong pakialam. basta ang mahalaga e may baon ako. uuwi pag hapon na, at maglalaro sa matitirang oras.

Nung Grade one ko rin unang naexperience ang kaligayahan ng class suspension, at ang hirap pag minalas na hindi nasuspindi ang klase. ang makipagbuno sa ulan at mag pray na sana bukas ay suspindido ang klase kahit umaambon lang. maiimagine mo siguro ang kaligayahan ko nun pag nasuspinde ang klase dahil sa malakas na ulan at hangin sa umaga pero biglang himalang sisilay ang araw sa hapon, maputik nga lang maglaro pero ano ba?!!

Nung Grade One din ako unang naging aware sa big news tulad ng "Summer is Here!" :) ahhh yesh~~ ~ halos lahat ng bata ay maligaya sa pagdating ng summer, bakit naman hindi?! panahon yun ng ice candy, at maghapong taguan pong, tantaret, tumbang preso at batuhang bola. bayani ako ng batuhang bola nun! ibang klase daw kasi ang reflexes ko hehe! kung big news ng Grade One ang "Summer is Here" bangungot naman ang "Back to School" pero ok lang at least may bagong schools stuffs hehe! Rak and Rol!

Monday, June 27, 2005

eom

Pag pala ang isang wafer stick e longer ng at least 15% sa kanyang counterparts it can be automatically categorized as Suuuuuper long !?!