
20 days before the elections ito lang ang nakapaskil sa gate ng eskuwelahan kung san mangyayari ang botohan, akala ko trip-trip lang kung bakit may poster don pero ayun pala eh eleksyon na naman!?!
Hindi ako makapaniwala na mas prestihiyoso na ang Baranggay elections ngayon! Sa lugar namin, kumpleto na ang eleksyon with tarpaulin posters at mga leaflets / flyers na pumupuno sa kanal ng eskuwelahan, pahirapan na naman ito sa paglilinis...
Ang galeng nga eh... nawe-weirduhan lang ako, bakit naging seryoso ng ganito kalupit ang baranggay elections?!? May power and authority naman talaga ang mga baranggay officials, para silang miniature form of government. siguro dahil na rin sa hindi ako madalas sa lugar namin kaya hindi ko na halos din kilala ang mga tumakbo. Hindi ko rin kabisado ang mga plataporma ng mga opisyal at kung meron silang nagagawang malupit, pero ang alam ko maluwag ang palengke namin, hindi na masyadong bahain, at may humahakot ng basura...
Tanong ko din sa sarili ko kung para san ang SK. oo naman definition-wise para magkaboses ang kabataan yada yada... pero bukod sa mga paliga at paconcert hindi ko na rin sila masayadong naririnig, nakakapaglagay kaya sila ng mga bagong libro sa municipal library? o mga tulong sa estudyante para sa kanilang pag-aaral? hindi ko talaga sigurado, saka hindi naman ako sobrang nakatono sa pulso ng politika sa lugar namin. Fault ko yun na parang wala akong pakialam, pero sino naman ang makakasisi diba?

nakapout!?? non-conventional sya sa talaga sa mga karaniwang smileys and all... hmn... bat ganun?!?
O sige kunyari tibak ako... YAARRRRGHHHH! ang dami dami nang eleksyon! Pagbabago naman!! wouuu!!